Walang humpay na pagpatay

September 24, 2021

Wala tayong nakikita na maaaring maging solusyon sa bagay na ito kundi palitan ang mga lider natin ng mga marunong gumalang at magmahal hindi lang sa mga pambansang batas natin kungdi pati na rin sa international law.

Nitong nakaraang linggo lang, Setyembre 15, pinatay si Atty. Juan Macababbad, isang kilalang abogado na kasapi ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa Mindanao.

Kilala si Atty. Macababbad sa paghawak sa kaso ng mga Lumad, tulad ng sa Lake Sebu massacre noong 2017, pati na rin sa mga kasong may kaugnayan sa pagtatanggol sa kalikasan. Noong Agosto 26 naman, si Atty. Rex Fernandez ang walang-awang pinaslang sa Cebu. Founding member siya ng NUPL at dating abogado ng Karapatan.

Noong 2014, tumulong siya sa kampanya para matanggal ang pork barrel system. Kahit wala na siya sa Karapatan ay patuloy pa rin siyang humahawak ng human rights cases, kabilang ang kaso ng walong hinuli sa Cebu (pitong aktibista at isang bystander) noong 2020 dahil sa pagprotesta sa Anti-Terror Law.

Mahigit 60 abogado na ang pinatay sa loob ng limang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte. Samantalang sa loob ng 44 na taon noong panahon ni Pang. Ferdinand Marcos hanggang kay Pang. Noynoy Aquino 49 na abogado lang ang pinaslang.

Sa termino ni Pangulong Duterte, parang hindi nabibigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga abogado. Nakakalungkot isipin, pero abogado pa naman itong si Duterte.

Nag-aapply pa naman ngayon si Atty. Harry Roque, ang spokeperson ng Pangulo upang maging bahagi ng International Law Commission (ILC).

Ang ILC ay isang expert panel sa United Nations na siyang naatasan para magsulat at magpaunlad ng sistema sa international law.

Nakatulong ang ILC sa pagtayo ng International Criminal Court dahil kasama ito sa mga nagsulat ng batas para sa pagbuo ng korteng ito na may karapatang humawak ng mga kasong genocide, war crimes at crimes against humanity.

Kaya tama lang ang ginawang pagtutol ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at NUPL sa aplikasyon ni Atty. Roque para maging myembro ng ILC. Maaalala na pumunta pang New York itong si Atty. Roque upang i-follow up ang kanyang pagsali sa ILC. Agad namang tinutulan ng FLAG, NUPL at iba pang grupo ang pagtalaga kay Atty. Roque bilang kasapi ng ILC.

Ayon pa sa FLAG, pinagtanggol ni Atty. Roque ang extra-judicial killings na ginagawa ng administrasyon sa ngalan ng anti-drug war nito at minaliit ang kakayanan ng International Court of Justice para imbestigahan ito. Ginagamit niya ang kanyang kaalaman sa international law para alisan ng proteksiyon ang mga mamamayan sa ilalim ng batas na ito, dagdag pa ng FLAG.

Sa bahagi naman ng NUPL, sinabi nito na dahil sa pagtatanggol ni Atty. Roque sa mga patakaran ni Duterte pati ang patuloy na hindi nito pagpakikipagtulungan sa ICC, nakikita raw ng karamihan itong si Atty. Roque bilang kahihiyan sa propesyon ng mga abogado pati na rin sa akademya.

Pati ang Executive Committee ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, ang eskuwelahang kanyang pinanggalingan, nagpahayag din ng kanilang pagtutol sa aplikasyon ni Atty. Roque.

Sa atin namang pagtingin, dapat munang magbitiw sa kanyang tungkulin bilang presidential spokesman ng administrasyong Duterte itong si Atty. Roque bago niya ituloy ang kanyang aplikasyon sa ILC. Sa ganun, maipakita niya na hindi buo ang kanyang pagsuporta sa administrasyong ito.

Buong mundo na yata ang tumutuligsa sa administrasyong Duterte hindi lang sa pagkamatay ng mga abogado kundi dahil sa patakaran nitong extra-judicial killings kaugnay ng kanyang programang war on drugs.

Ayon sa datos ng pamahalaan, simula nang maging Pangulo si Presidente Duterte hanggang katapusan ng Hulyo 2021, may 6,165 suspected drug dealers ang napatay ng kapulisan kaugnay ng kampanya nito laban sa bawal na gamot.

Pero ayon sa datos mula sa non-governmental organizations, maaaring umabot pa mula 12,000 hanggang 30,000 katao ang pinaslang.

Ito ang dahilan kung bakit humingi noon si dating ICC Prosecutor Fatou Bensouda ng judicial authority mula sa ICC para makagawa ng full-blown investigation sa ginagawang ito ng administrasyong Duterte.

Hindi naman inaasahan ang tugon dito ni Pangulong Duterte at ng kanyang alipores. Noong Marso 2018, pinahayag ni Pangulong Duterte na aatras na raw sa International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas.

Ibig sabihin nito, batay sa Rome Statute na siyang lumikha ng ICC, walang karapatan ang ICC na makialam sa ano mang gagawin ni Pang. Duterte pagkatapos ang withdrawal ng

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.