NCIP inutil – Katribu

November 5, 2021

Nagtipon noong Oktubre 29 ang iba’t ibang grupong bitbit ang adbokasiya ng mga indigenous people (IP) at Indigenous Cultural Communities (ICC) sa tapat ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Main Office para ipanawagan ang pagbasura sa Republic Act 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) at ang mismong NCIP.   Pinangunahan ng Kabataan […]

Nagtipon noong Oktubre 29 ang iba’t ibang grupong bitbit ang adbokasiya ng mga indigenous people (IP) at Indigenous Cultural Communities (ICC) sa tapat ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Main Office para ipanawagan ang pagbasura sa Republic Act 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) at ang mismong NCIP.

 

Pinangunahan ng Kabataan para sa Tribung Pilipino (Katribu), Sandugo, at iba pa ang pagkilos. Itinaon ng mga gruupo ang pagkilos sa paggunita ng pagsasabatas ng IPRA. Ngunit ayon sa mga grupo, naging instrumento lamang ang batas upang isulong ang interes ng mga negosyante maging mga dayuhan.

Mandato ng NCIP ang protektahan at isulong ang kagalingan ng mga ICC/IP. Ngunit nagkaisa ang mga grupo sa pag-giit nilang walang ginawa ang komisyon kundi ilako ang lupang ninuno sa mga dambuhalang kompanya ng pagmimina, enerhiya, at pagpapatayo ng dam.

Dagdag pa umano sa pagpapasakit ng NCIP sa mga IP ang pakikipagsabwatan nito sa National Task Force to End Local Communist Conflict, na kilala sa pagsupil sa mga sektor at organisasyon na may lehitimong mga panawagan.

Bukod pa ito sa pagbubunyag ng mga grupong lumahok sa pagkilos ukol sa kalabisan ng paggastos at di wastong paggamit ng pondo ng institusyon, na nasilip ng Commission on Audit.

“Ang mga utos ninyo upang lalong paigtingin ang militarisasyon sa mga komunidad ng pambansang minorya ang lalong nagtutulak sa mamamayan upang lumaban at igiit ang kanilang mga karapatan at bawiin ang nararapat na para sa kanila,” pahayag ni Gab Torrecampo, tagapangulo ng Katribu.

Larawan: Jan Terrence

Jan Terence

Jan Terence

Jan Terence is the youngest writer for Pinoy Weekly. He earned his degree in Linguistics and Literature at Mindanao State University.