Tags: Joi Barrios-Leblanc

Mga tula ng pagpanig, paglaban, at pag-ibig sa bayan

Kung may malisyosong paggamit ng alaala, pinakita rin sa mga tula kung paano ang alaala ay puhunan ng makata upang magpugay sa mga kaibigan, kasama, at mahal sa buhay. Salalayan din ito upang idugtong ang pakikisangkot noon at ngayon sa pamamagitan ng pagkilala sa iba’t ibang ambag ng mga kakilala sa kilusang mapagpalaya.

NI JOI BARRIOS-LEBLANC Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 30, September 2-8, 2007 (Para sa mga magulang nina Jonas, Karen at Sherlyn at sa pamilya nina Luisa at Nilo ng Panay) Hinahanap ko Siyang nawawala. Pinagtatagpi ang mga ebidensiya, Pinagdudugtong ang mga salaysay, Idinudulog sa hukuman. Hinahanap ko Siyang nawawala. Iwinawaksi ang masamang panaginip: Ang…

NI JOI BARRIOS-LEBLANC* Inilathala ng Bulatlat Paano babayaran Ang utang ng aking bayan? Nakayapak ang batang sinanla Para sa mga sapatos ng isang Unang Ginang. Putol ang kamay ng manggagawa, Habang lumalambi-lambitin sa daliri Ng dating Pangulo Ang kanyang mahal na tabako. Gula-gulanit ang katawan Ng magsasakang naninibilhan Sa air-conditioned na kuwadra Sa asyenda ng…