3,812, nakapasa sa 2023 Bar exams


Si Ephraim Porciuncula Bie ng University of Santo Tomas ang hinirang na Bar topnotcher ngayong taon na may rating na 89.2625%.

Nasa 3,812 na mga examinee ang pumasa sa 2023 Bar examinations, ayon sa Supreme Court (SC).

Katumbas ito ng 36.77% ng kabuang 10,387 law graduates na kumuha ng Bar exams noong Setyembre.

Ito ay mas mababa sa 2022 passing rate na 43.47%.

Si Ephraim Porciuncula Bie ng University of Santo Tomas ang hinirang na Bar topnotcher ngayong taon na may rating na 89.2625%.

Samantala, nakapagtala naman ang Ateneo de Manila University ng pinakamataas na passing rate, 94.%. 

Sinundan ito ng San Beda University (92.20%), University of San Carlos (90.91%), University of the Philippines (89.45%), at University of Santo Tomas (85.25%).

Ang matagumpay na 2023 Bar examinees ay manunumpa at pipirma sa Roll of Attorneys sa Dis. 22.

Nauna namang sinabi ni Bar Committee Chair at SC Associate Justice Ramon Paul Hernando na target nila ang maagang paglalabas ng resulta para makapagsimula agad ang mga matagumpay na examinees sa kanilang practice pagkatapos ng holidays.