close

Balita

Free Agusan 6 Network, inilunsad sa Davao

Inilunsad nitong Ago. 23 sa Davao City ang Free Agusan 6 Network na naglalayong ilantad at labanan ang ilegal na pag-aresto sa anim na aktibista at organisador ng mga magsasaka at katutubo sa Southern Mindanao Region.

‘Alipato at Muog’, wagi sa 73rd Famas

Nagkamit ng mga karangalang Best Picture at Best Director sa 73rd Famas Awards ang "Alipato at Muog", isang dokumentaryo tungkol sa paghahanap sa isang mahal sa buhay na dinukot at sapilitang iwinala ng estado.

5 mamamahayag, kinitil ng airstrike ng Israel sa Gaza

Pinuntirya ng Israel Defense Forces ang mamamahayag ng Al Jazeera na si Anas al-Sharif sa pambobomba nito sa isang media tent sa Gaza City noong gabi ng Ago. 11. Nasawi rin ang apat na mamamahayag na kasama ni al-Sharif.

‘Alipato at Muog’ dokyu, may 6 na nominasyon sa Famas

Nominado ang dokumentaryong "Alipato at Muog" para sa mga karangalan na Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Visual Effects, Best Sound at Best Editing sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards.

3 sa Sta. Cruz 5, malaya na

Pinawalang-sala ng Taguig Regional Trial Court Branch 70 noong Ago. 6 ang limang aktibista na kilala bilang “Sta. Cruz 5,” pitong taon matapos arestuhin dahil sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives.

Tanggol-katutubo, absuwelto sa frustrated murder

Inaprubahan ng korte sa Aparri ang demurrer to evidence o pagtutol sa katibayan ng tanggol-katutubong si Myrna Cruz-Abraham na epektibong nagbasura sa gawa-gawang kasong frustrated murder.