close

Alternatibong pampaingay sa Bagong Taon


Kada taon, may mga naitatalang firecracker-related injuries, sunog at record-breaking na polusyon dahil sa mga paputok kaya naman halika’t salubungin ang 2024 gamit ang iba’t ibang pampaingay!

Hindi mawawala ang maingay na salubong ng mga Pinoy sa Bagong Taon. Maaari naman itong gawin nang ligtas, eco-friendly at pet-friendly sa pamamagitan ng mga alternatibong pampaingay.

Kada taon, may mga naitatalang firecracker-related injuries, sunog at record-breaking na polusyon dahil sa mga paputok kaya naman halika’t salubungin ang 2024 gamit ang iba’t ibang pampaingay!

Gabriela Baron/Pinoy Weekly

Noong mga bata pa tayo, torotot lang naman ang pampaingay na kadalasan nating ginagamit.

At bakit hindi? Sa palengke man, talipapa o sakayan, may mga inilalakong torotot pagkatapos ng Pasko—may iba’t ibang klase pa ‘yan!

Pixabay

Hindi mo na kailangang bumili dahil siguradong ang bawat kusina ay mayroon namang kaldero.

Ipagbangga mo lang ang dalawang kaldero o sandok at kaldero, makalilikha ka na ng tunog na magpapaalis daw ng “bad spirits” sa tahanan n’yo!

Pixabay

Kung meron kang sasakyan o motor o kahit busina ng bike, magandang alternatibo rin ito, hindi pa kailangang manginig ng mga alagang aso o pusa na takot na takot sa mga paputok.

Pixabay

Siyempre, sino ba namang Pinoy ang walang talent sa pagkanta? O kahit ‘yong walang talent pero napakahilig kumanta? Ito na. Chance mo nang i-showcase ‘yan at salubungin ang Bagong Taon nang maraming line up na kanta!

Marc Lino Abila/Pinoy Weekly

Boses lang ang puhunan. Magsisisigaw sa loob o labas ng bahay.

Halimbawa: Sahod, itaas! Presyo, ibaba!