close

Ligtas na Bagong Taon para sa mga alagang hayop


Tinipon ng Pinoy Weekly ang iba’t ibang paraan para mapanatiling ligtas ang mga alagang hayop sa darating na Bagong Taon.

Isa sa pinaka-challenging na panahon ang Bagong Taon sa mga alagang hayop dahil marami sa kanila ang natatakot at nanginginig dahil sa ingay ng mga paputok.

Kaya naman tinipon ng Pinoy Weekly ang iba’t ibang paraan para mapanatiling ligtas ang mga alagang hayop sa darating na Bagong Taon.

Pixabay

Panatiliin lang sa loob ng bahay ang inyong mga alagang hayop at nasa secure na lugar upang hindi sila tumakbo o tumakas sa tuwing makaririnig sila ng paputok sa labas.

Pixabay

Gumamit ng crate kung ang iyong aso ay well-trained o pamilyar sa isang crate at magtakda ng isang tahimik na silid na may musika o white noise para makalikha ng isang ligtas na atmosphere.

Maaari rin silang ibalot sa kumot o mag-provide ng basahan o malaking towel kung saan maaari silang magpahinga.

Pixabay

Maaari silang itali sa calming wraps, vests o kamiseta. Mainam ito dahil nagbibigay ito ng gentle pressure na nagpapawala ng stress sa mga alagang hayop tulad ng aso.

Pixabay

Kung hindi maiwasang gumamit ng paputok, gaya ng watusi, itapon ito sa labas para maiwasang madilaan o malunok ito ng mga alagang hayop. Huwag hayaang nakakalat ang mga paputok na maaaring makalason sa ating mga mahal na alaga.

Pixabay

Para mapanatili silang kalmado o panatag, maglaan ng quality time kasama ang mga alagang hayop sa Bagong Taon.

Kung ilalakad sila sa labas o lalaruin, mag-ingat sa mga lalakaran kung may mga nakakalat at natirang paputok.