close

May entry na ba lahat sa Asoka Challenge?


Hindi na lang simpleng trend sa social media ang Asoka TikTok Challenge, nagpapakita rin ito ng pagpapahalaga sa kultura at kagandahan ng mga sinaunang tradisyon.

Marami na ang kumasa sa “Asoka TikTok Challenge,” hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ang pinakabagong trend ngayon sa social media.

Mula ito sa sikat na Hindi film noong 2001 na pinagbidahan nina Shah Rukh Khan at Kareena Kapoor. Ipinapakita ng pelikula ang mga ayos at kasuotan na halwa sa sinaunang India. 

Ngayon, hindi na lang simpleng trend sa social media ang Asoka TikTok Challenge, nagpapakita rin ito ng pagpapahalaga sa kultura at kagandahan ng mga sinaunang tradisyon. 

Sa paggamit ng kani-kanilang kasanayan sa paglalagay ng kolorete at editing, nagbibigay buhay ang mga sumasali sa challenge sa mga karakter at mga elemento ng pelikulang Asoka, kabilang ang matapang na makeup, geometrikong disenyo, makulay na kasuotan at ginto’t pilak na alahas.

Ngunit hindi limitado ang trend sa mga may lahing Indian. Sumali rin sa trend ang maraming Pinoy content creator na nagdadagdag ng kanilang sariling lokal na twist at umaani ng milyon-milyong mga shares, likes at nagpakalat ng trend sa Pilipinas. 

@lenie_aycardo Serving you my 2nd version of Asoka Makeup Trend. Darker,Bolder & Fiercer ? As you all requested! ?????? (lb: @jharna bhagwani ? suara asli – Sita Suwarnadwipa

Ang aktres at modelo na si Ivana Alawi, nagbigay ng sariling twist sa Asoka trend. Ipinakita niya ang isang mas tradisyonal na transisyon sa isang mala-Maria Clara look. Ipinamalas niya ang klasikong ganda ng Pinay na nakasuot ng modernong terno.

@ivanaalawi PILIPINAS ?? (@Angge G.) #fyp ? Piliin mo ang pilipinas – Draculord

Hindi rin nagpahuli ang mga kalalakihan na naniniwalang kaya rin nilang makisabay sa trend sa social media. Ang TikTok influencer na si Jomar Lovena, nagbigay-pugay sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Binigkas niya ang ilang sikat na linya tungkol sa ating lahi habang suot ang kakaibang barong.

@jomarlovenaa

PILIPINAS PINOY PRIDE ?? Hindi talaga ako marunong mag Makeup yan lang po kaya ko

? Piliin mo ang pilipinas – Draculord

May mga content creator na kumasa na rin sa Asoka trend ngunit Filipino version na lubos na kinatuwa ng mga netizens.

@whamoscruzz PROUD PINOY MY ENTRY ?? #whamoscruzz ? original sound – Whamoscruz

Ang kilalang TikTok influencer na si Whamos Cruz, nakakuha ng dalawang milyong likes sa kanyang Asoka bidyo na tampok ang mga trabahong madalas hindi nabibigyang pansin tulad ng mga magsasaka, magbabalot at magtataho, drayber at barker ng jeepney, at mga vendor.

@unkabogableviceganda Lagi kitang pipiliin, Pilipinas ?? #fyp #PiliinMoAngPilipinas #ViceGanda ? Piliin Mo Ang Pilipinas – Angeline Quinto

Hindi rin papahuli sa trend ang kilalang host at komedyante na si Vice Ganda. Bilang kinatawan ng LGBTQ+, nagpamalas siya ng kakaibang ideya sa Asoka trend.

Ibinida ang mga isyung panlipunan tulad ng matinding trapiko, polusyon, pagsuporta sa pagbasura ng jeepney phaseout, maling pagtatayo ng resort sa Chocolate Hills sa Bohol at agresyon ng China sa West Philippine Sea.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang walang hanggang pagmamahal sa bansa: “Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita, Pilipinas.” Ang kanyang bidyo na nagsisilbing isang hamon at paalala sa ating lahat na kahit anong pagsubok, dapat tayong manatiling tapat at matatag para sa ating bayan.

Nagpapatunay ito na hindi lang pangkatatawanan ang TikTok, kundi maaari ring gamitin upang magbigay inspirasyon at maghatid ng makabuluhang mensahe sa mga manonood.

Ngayong buwan ng mga manggagawa, hinihikayat tayo na maging boses ng mga nagpupursigi at nagpapagal para sa tunay na malaya at maunlad na bansa. Ang kanilang pagpupunyagi at dedikasyon ay dapat nating kilalanin at ipagdiwang.

Nawa’y maging inspirasyon ang nauusong challenge na ito upang patuloy nating ipaglaban ang karapatan at dignidad ng bawat isa. Sa pagtindig natin bilang mga tagapagtaguyod ng katarungan, nagbibigay buhay tayo sa pangarap ng isang mas maunlad at makatarungang lipunan para sa lahat. 

Sa likod ng mga makukulay na kolorete at damit, nagpapakita ang Asoka trend ng pagbibigay-pugay sa mayamang kultura hindi lamang ng India kundi pati na rin ng iba’t ibang bansa at lahi.