close

Radyo Sagada, pinarangalan


Kinilala ang Radyo Sagada bilang isang institusyon na may malaking ambag sa pagbabahagi ng balitang napapanahon, pagtulong sa panahon ng peligro at pagsusulong ng mga inobasyong pang-agrikultura. 

Ipinagkaloob sa Radyo Sagada 104.7FM ang Ka Louie Tabing Memorial Achievement Award in Community Broadcasting sa 18th Gandingan Awards ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) nitong Mayo 4. 

Sa pangunguna ng UP Community Broadcasters’ Society, layon nitong kilalanin ang mga natatanging indibidwal at institusyon na nagtataguyod ng mga programa sa telebisyon, radyo o online para sa “kagalingan ng mga Filipino.” 

Kinilala ang Radyo Sagada bilang isang institusyon na may malaking ambag sa pagbabahagi ng balitang napapanahon, pagtulong sa panahon ng peligro at pagsusulong ng mga inobasyong pang-agrikultura. 

“Ang Radyo Sagada ay resulta ng sama-samang pagnais ng mamamayan para sa isang mapagkakatiwalaang source ng balita,” ani Gwen Gaongen, station manager ng Radyo Sagada sa wikang Ingles.

Dagdag niya, nagsisilbing plataporma ang istasyon para sa mamamayan o umili sa Sagada at iba pang karatig bayan sa Mountain Province upang ipahayag ang kanilang mga hinaing sa mga iba’t ibang isyu na kanilang kinakaharap. 

Ang Radyo Sagada ang natatanging istasyon sa Pilipinas na itinatag at pinapangisawaan ng mga katutubo. Itinatag ito noong 2010 sa tulong Bayan Muna Partylist at National Council of Churches of the Philippines.

Noong 2018, kinilala rin ang Radyo Sagada para sa kanilang health education program ng Department of Health at Benguet State University.