close
Panayam

Saribuhay ng Pilipinas at si Celine Murillo


Sa lilim ng iba’t ibang matayog na puno, sa tabi ng kakaibang mga halaman at paminsan pa’y sa saliw ng harana ng mga ibon, lumikha ng mga bidyo at naging tampok sa social media si Celine Murillo.

Minsan na rin bang dumaan sa TikTok o Facebook feed n’yo ang content creator na nagtuturo ng bagay-bagay tungkol sa saribuhay (biodiversity) ng Pilipinas?

Sa lilim ng iba’t ibang matayog na puno, sa tabi ng kakaibang mga halaman at paminsan pa’y sa saliw ng harana ng mga ibon, lumikha ng mga bidyo at naging tampok sa social media si Celine Murillo.

Isang multi-awarded at internationally-published nature storyteller si Murillo na gumagamit ng potograpiya, maikling bidyo, panulaan at social media upang ipakilala at isulong ang saribuhay at natural na pamana ng kalikasan ng Pilipinas.

@celinemurillo_ Bagong episode ng #SaribuhaySaSalapi! ? #PhilippineBiodiversity #PhilippineNativePlants #PhilippineHoyas #HoyasofthePhilippines #hoyapublicalyx #KapalkapalBaging #TikTokForGood #TikTok_Partner #TikTokPartner ? original sound – Celine Murillo

Kasama ang kanyang asawa na si Dennis, nililibot niya ang Pilipinas upang ikuwento at isulong ang pagprotekta sa kalikasan na nasisilayan sa kanilang biyahe. Ilan na lang dito ang mga puno na native sa Pilipinas at mga ibon na nasa mga lungsod at kanayunan.

Bukod dito ay mayroon din siyang inilunsad na serye ng mga bidyo na tinawag niyang “Saribuhay sa Salapi” kung saan tinatalakay niya ang hayop at halaman na makikita sa mga barya at papel na pera ng Pilipinas.

Mayroon ding seryeng “#LikasWika” kung saan itinatampok ni Murillo ang mga hayop, halaman at iba pang bagay na nakikita sa kalikasan na nilalapatan niya ng isang akrostik o tula kung saan ang bawat titik ng salita’y bumubuo ng espesyal na mensahe.

Tunghayan ang panayam ng Pinoy Weekly kay Murillo:

Celine Murillo (CM): Bata pa lang ako, malapit na ako sa mga puno, pero noong kabataan ay kulang ang pagkakataong mas makasalumuha sila. Noong pumanaw ang nanay ko noong 2014, nagsimula kaming mag-hike ng asawa kong si Dennis at noon ko natuklasan ang kagandahan at healing power ng Kalikasan. Sa pagtagal at paglayo ng aming paglalakbay, lalo lamang tumindi ang aking kagustuhang mas kilalanin pa ang ating Saribuhay.

CM: Bata pa lang, mahilig na ako sa mga kuwento at gusto ko na talagang maging isang tagakuwento. Masuwerte ako na malaya kong natatahak ang larangang ito at tunay na panindigan ang pagiging storyteller para sa kalikasan. Sa tingin ko ay ito ang pinakamainam na paraan para makapag-ambag sa aming layunin na makalikha ng mas maganda, mas mabuti, at mas mapang-unawa na mundo. 

CM: Madalas, hinahayaan namin ang kalikasan na’ng mag-dikta sa amin kung ano ang aming ido-dokumento. Kapag nasa isang lugar kami, tinitignan lang namin kung ano ang nandoon. Minsan naman, inaabisuhan kami ng mga kaibigan at mga kasamahan sa mga kapansing-pansing species at kung saan sila matatagpuan. Kung may pagkakataon ay pinu-pursue namin iyon. 

@celinemurillo_ Philippine fauna muna tayo. Here’s a common #PhilippineBird! #PhilippineBiodiversity #BirdsofthePhilippines #learnontiktokph #learnontiktok #philippines??tiktok #yellowventedbulbul #birdsoftiktok ? original sound – Celine Murillo

CM: Marami. Una ay hindi sapat ang aming mga resources, lalo na ang budget. Independent storytellers at creators kami ng asawa ko, at pihikan kami pagdating sa mga kolaborasyon at patnerships. Mahalaga sa amin na walang misalignment pagdating sa aming mga pinahahalagahan, kaya ibig sabihin nito ay marami kaming natatanggihan na financial opportunities.

Bukod pa rito ay nandiyan din na naimumulat kami sa parehong kamanghaan at pagkadismaya, at mahalaga iyon dahil ito ang nagpapanatili sa aming maging mapagpakumbaba at puno ng pag-asa. Dahil sa kabila ng pagkawala, marami pa rin ang natitirang dapat na ipaglaban. Para sa amin, ang pakikisalamuha sa komunidad, at pagiging isa sa kagubatan ay pagkapanalo na, kahit na hindi ito nagreresulta sa content na maibabahagi namin sa social media. 

CM: Kailangan nating mas kumilos at mas pagbutihan pa. At walang batas na magsasalba sa atin kung patuloy nating titignan ang Kalikasan bilang isang bagay na maaaring i-exploit. 

CM: Alamin kung ano ang mayroon tayo. Lahat ay nagsisimula sa pag-alam at pag-unawa. Pinoprotektahan natin kung ano lang ang mahalaga sa atin, at mahalaga lang sa atin ang kung ano ang alam at naiintindihan natin. 

CM: Siyempre. May pulitika sa pag-gatekeep ng yaman at mangha ng ating saribuhay—mas madali itong sirain dahil hindi natin naiintindihan at nalalaman kung ano ang nawawala sa atin. Ang pangarap namin ay sana, itong ginagawa namin ay makatulong sa pagtapos ng kakulangan o kaya’y pagharang sa impormasyon tungkol sa ating kapaligiran at yamang-likas.


Gaya ng palaging binabanggit ni Murillo sa kaniyang mga bidyo, patuloy nating suportahan, ipakilala at protektahan ang saribuhay at yaman ng kalikasan ng Pilipinas. 

Sa ngayon, mayroon siyang halos 500,000 followers at 5.3 milyon na kabuuang likes sa TikTok. Sa kanilang Youtube channel na “Celine and Dennis Murillo” naman, nasa 21,000 ang kanilang subscribers.