close
Plantita C

Subukang magtanim sa tubig


Kung wala kang matabang lupa at maliit ang espasyo sa lugar na tinitirhan, subukan mo ang hydroponics, isang paraan ng pagtatanim gamit ang tubig. 

Kung wala kang matabang lupa at maliit ang espasyo sa lugar na tinitirhan, subukan mo ang hydroponics, isang paraan ng pagtatanim gamit ang tubig. 

  1. Mag-ipon ng mga paglalagyan ng tubig. Kung may styrofoam o malalaking tubo na maaaring butasan upang maipatong ang plastic cups na pagtataniman, mas maigi. Mas madali ang sistema ng pagpapadaloy ng tubig sa mga halamang nais itanim.
  2. Ang tubig ay hinahaluan ng nutrient solution upang maibigay sa halaman ang sustansiyang kakailanganin upang mabuhay at lumago. Maaari ring gawin ang solution na ito sa pamamagitan ng paghahalo sa isang container ng balat ng saging na saba, balat ng itlog, papel, pakong kinalawang at mga tinadtad na mga pinagbalatan ng mga prutas at gulay. Haluan ito ng tubig at hayaang matunaw. Ang katas ang magsisilbing fertilizer. Sa kada 10 litro ng tubig, haluan ito ng katas gamit ang takim ng mineral water (isang takip lamang). Haluin nang mabuti sa madilim na timba. Matapos ang isang oras maaari na itong gamitin. Lagyan na ang mga pagtataniman.
  3. Planuhin kung anong halaman ang nais itanim. Mas okay kung mga makakaing halaman tulad ng kamatis, basil, spring onions, tanglad, talilong o talinum, talbos ng kamote, kangkong, alugbati at iba pa. Ilubog lang ang 1-2 pulgada hanggang sa magkaugat.

Kada ikatlong araw, silipin kung nararapat ng dagdagan ng tubig na may halong solution. Tiyaking naaarawan ang inyong mga tanim. Kapag malago na ang mga dahon talbusan na at ihalo na sa inyong nais lutuin para sa pamilya.