close

Brosas, boses ng kababaihan sa Senado

Determinado si Arlene Brosas na maglingkod pa sa mga nangangailangan, kaugnay sa krisis na nagpapabigat pa sa sektor ng kababaihan, labis na pang-aapi, maging ang iba’t ibang porma ng karahasang suportado ng estado.

Inanunsiyo ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang kanyang pagtakbo sa Senado sa 2025 upang isulong ang mga karapatan ng mga kababaihan at bata nitong Hul.16.

Aniya, determinado siyang maglingkod pa sa mga nangangailangan, kaugnay sa krisis na nagpapabigat pa sa sektor ng kababaihan, labis na pang-aapi, maging ang iba’t ibang porma ng karahasang suportado ng estado. 

Sa tatlong termino niya sa Kamara, nanguna siya sa pagsusulong ng mga batas. Kabilang dito ang Occupational Safety and Health Act; Expanded Maternity Leave Act; Safe Spaces Act; Strengthening Protection Against Rape and Sexual Abuse, and Raising the Age of Statutory Rape; at Expanded Solo Parent Welfare Act.

Nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Brosas sa Senado ang aktres-manunulat na si Bibeth Orteza, dating GWP Rep. Emmi De Jesus, Sr. Mary John Mananzan, Bantay Bigas convenor at Amihan Secretary General Cathy Estavillo at marami pang lider-kababaihan.