close

Protesta ng mamamayan ng Timog Katagalugan, hinaras ng pulisya

Sa gitna ng kilos-protesta, lantarang ipinakita ng pulisya ang karahasan at paninindak sa mga aktibista matapos damputin si Jojo Reyes sa komosyon sa Department of Justice sa Ermita, Maynila.

Mariing kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Timog Katagalugan ang harasment at intimidasyon sa mga payapang ehersisyo ng karapatan sa pagpapahayag kaugnay ng karahasan at paninindak sa mga aktibista sa Lagalab Caravan 2024 noong Hul. 18.

Sa gitna ng kilos-protesta, lantarang ipinakita ng Manila Police District ang karahasan at paninindak sa mga aktibista matapos damputin si Jojo Reyes sa komosyon sa harap ng Department of Justice (DOJ) sa Ermita, Maynila.

“Nakababahala ang napakahabang rekord ng Manila Police District sa karahasan at paninindak sa mga aktibista,” pahayag ng Bayan Timog Katagalugan.  

Nagtungo ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa DOJ upang kondenahin ang matinding inhustisya sa mga aktibista sa ilalim ng mga anti-terrorism law, gayon din ang pagwawalang-sala sa mga pulis na sangkot sa pamamaslang sa unyonistang si Manny Asuncion at mag-asawang Chai at Ariel Evangelista

Mariin ding tinutulan ng delegasyon ang lumalawak na saklaw ng imperyalistang panghihimasok sa bansa, kaugnay ng usapin sa Bilateral Defense Guidelines ng Amerika at Reciprocal Access Agreement ng Japan.