close

Taas-suweldo ng guro, kawani, hindi tinalakay sa SONA

Hindi binigyan ng nararapat na pansin ang hinihinging dagdag-suweldo ng mga guro’t kawani sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hul. 22.

Hindi binigyan ng nararapat na pansin ang hinihinging dagdag-suweldo ng mga guro’t kawani sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hul. 22.

Sabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, habang binanggit ng pangulo ang ilang mga batas at inisyatiba tulad ng Teaching Allowance Act at ang pangakong Salary Standardization Law VI, hindi niya natalakay ang mahalagang kahilingan na itaas ang entry-level salary sa P50,000 sa mga guro at P33,000 sa mga kawani.

Sa pagsisimula ng klase, patuloy na nananawagan ang mga guro’t kawani na paglaanan ng sapat na pondo ang edukasyon at pagpapabuti ng mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan.

Iginiit din nila na tugunan na ang kanilang matagal nang hiling na pagtaas ng suweldo upang makaagapay sa pang-ekonomiyang hamon na hindi pa rin natutugunan ng gobyerno.