a
ICC Warrant of Arrest in Tagalog
Published on Aug 20, 2025
Last Updated on Aug 20, 2025 at 9:12 pm

ADVERTISEMENT

SOURCE: Tagalog translation of Warrant of Arrest for Mr Rodrigo Roa Duterte | International Criminal Court

IsyuQuotationPara. No.Paliwanag
Basehan ng Kasong Crimes Against Humanity, Art. 7)Batay sa mga materyales na ibinigay, pinupuntirya ng mga miyembro ng Davao Death Squad (‘DDS’) at ng mga alagad ng batas ng Pilipinas ang napakalaking bilang ng mga taong inaakalang sangkot sa mga kriminal na aktibidad, lalong-lalo na ang may kaugnayan sa ilegal na droga. Nakita ng Kamara na may iisang kilos sa pagsasagawa ng maraming marahas na gawain laban sa populasyong sibilyan sa Pilipinas. Bukod pa rito, ang mga marahas na gawaing ito ay isinagawa ng DDS at ng iba’t ibang awtoridad at sangay ng gobyerno, alinsunod sa polisiyang may layuning wakasan ang kriminalidad ng Pilipinas sa lahat ng paraan, kasama na ang pagpatay ng inaakalang mga kriminal.¶10Ipinakita ng ICC Pre-Trial Chamber na ang mga pag-atake ay hindi hiwa-hiwalay na insidente kundi bahagi ng isang malaganap at sistematikong polisiya laban sa mga sibilyang Pilipino.
Pansariling pananagutan sa krimen ni Mr DuterteNakita ng Kamara (the ‘Chamber’) na may mga makatarungang basehan para maniwalana sa panahon ng kaugnay na panahon, itinatag ni Mr Duterte at siya ang pinuno ng ‘DDS’, isang alkalde ng Siyudad ng Davao at Presidente ng Pilipinas¶16Ayon sa Pre-Trial Chamber na may makatarungang ebidensya na itinatag ni Rodrigo Duterte ang DDS at pinamunuan ito habang siya ay alkalde ng Davao City at Presidente ng Pilipinas. 
Bilang tagapagtatag at pinuno ng DDS at, sakahulihan, pangulo sa Pilipinas, si Mr Duterte, kasama ang mga mataas na opisyal ng gobyerno at mga miyembro ng pwersa ng pulisya (ang mga ‘kasama sa paggawa ng krimen’) (the ‘co-perpetrators’) at sa pamamagitan ng ibang mga tao, ay sumang-ayon na papatayin (‘neutralise’) ang mga indibidwal na makikita nilang mga inaakalang kriminal o mga indibidwal na may mga kriminal na mga pagtangkilik, kasama pero hindi limitado ang mga nagkasala tungkol sa droga¶17Inutusan niya ang DDS at miyembro ng pulisya na pumatay. 
Tungkol sa DDS, si Mr Duterte ay may ‘de facto’ kontrol sa yunit na ito, ang operasyon ay inayos sa isang hierarkikal na paraan, na ang mga pisikal na mga nagkasala ay nasa ilalim at si Mr Duterte ay nasa itaas ng linya ng pag-uulat. Ang kanyang impluwensyaay lalong pinatibay ang katotohanan na, bilang isang Alkalde ng Siyudad, siya ay may kontrol sa pulisya ng siyudad na may kapangyarihan unang pamunuan ang mga gawain ng imbestigasyon ng pulisya, gamitin at ipakalat ang mga yunit o elemento ng pulisya, at pipili ng Pinunong Pulisya ng Siyudad ng Davao.Tinutupad ng kusa ang mga tagubilin ng mga miyembro ng DDS, pati na ang mga bagay na tanging ipinahiwatig lamang.46 Ang kanilang pagiging maaaring palitan ay ipinapakita ng katotohanan na pinapatay ng DDS ang ilang mga pisikal na gumagawa ng pagkasala na hindi sumunod sa kanilang mga utos¶19May kontrol at impluwensya si Duterte sa DDS at pulis at sinusunod nila ang kanyang utos kahit na simpleng pahiwatig lang.
Si Mr Duterte ay nagbigay ng mga mahahalagang kontribusyon sa pagsasagawa ng mga inaakusahang krimen sa mga sumusunod na paraan:

a. Pagdidisenyo at pagpapalaganap ng isang proyekto na naglalayong tumutok sa mga inaakusahang kriminal, kasama na ang panahon ng kanyang kampanya tungkol sa Presidente, para magtatagumpay, na kung saan ang laban tungkol sa ilegal na droga na proyektong ‘Double Barrel’ na inilunsad, at pagkatapos ang pag-apruba saproyektong ito;
b. Pagpapatatag at pangangasiwa ng DDS at pagbibigay nito ng mga sandata, bala, mga sasakyan, mga ligtas na bahay at pang-komunikasyon na mga kasangkapan paragagawin ang mga pagpatay;
c. Pag-uutos at pagbibigay ng pahintulot para sa mga marahas na gawain laban sa mga pinagdududahang mga kriminal, kasama na ang mga nagbebenta at gumagamit ng droga;
d. Pagtatalaga ng mga pangunahing tauhan para sa mga posisyon na mahalaga sa pagsasagawa ng mga krimen;
e. Nagbibigay ng mga pang-pinansyal na mga benepisyo at mga promosyon para sa mga opisyal na mga pulisya at mamamatay-tao para papatayin ang mga pinagdududahan, nangangako ng impunidad, at sila’y pinoprotektahan galing sa imbestigasyon at prosekusyon;
f. Gumawa ng pampublikong mga pahayag na nagbibigay ng pahintulot, pagtanggap at pagsusulong ng mga pagpatay at pagpapababa ng pagkatao ng mga inaakalang kriminal bilang isang Alkalde ng Siyudad ng Davao at ang Presidente ng Pilipinas, kasamaang pagbanggit ng mga pangalan ng mga pinagdududahan sa publiko, na ang ilan aypagkatapos pinatay sa panahon ng mga operasyon ng pulisya; at
g. Nagbigay paghintulot sa mga importanteng mga aktor ng Estado na sasali sa kampanya laban sa droga at pagbawi ng kanyang mga pahintulot.
¶22Ito ang mga kontribusyon ni Duterte sa EJKs na lumaganap sa Pilipinas at pangunahing basehan ng kasong crimes against humanity. 
“may makatarungang basehan para maniwala na si Mr Duterte ay may pansariling pananagutan para sa krimen laban sa pagpatay ng Sangkatauhan … hindi direktang kasabwat sa loob ng kahulugan ng artikulo 25(3)(a).”¶25Si Duterte ay itinuring na indirect co-perpetrator, dahil siya ang nagtatag, nag-utos, at may kontrol sa DDS at mga pambansang ahensya.
Intensyon Gumawa ng Krimen o mens rea (Art. 30)“may makatarungang basehan para maniwala na si Mr Duterte ay kumilos na may pakay at may-alam sa loob ng kahulugan ng artikulo 30 ng Batas.”¶24Pinatunayang hindi aksidente o kapabayaan ang mga krimen, kundi sinadya at alam ni Duterte ang epekto ng kanyang mga aksyon.
Pangangailangan ng Pag-aresto (Art. 58(1)(b)(i))“walang makatwirang inaasahan na makikipagtulungan siya sa isang legal na panawagan … isinasaalang-alang ang panganib na dulot ng posibleng panghihimasok sa mga imbestigasyon at seguridad ng mga saksi at mga biktima … ang pag-aresto ni Mr Duterte ay kailangan.”¶26Hindi aasahang susunod si Duterte sa ICC kung ipapadala lamang ng subpoena. Kaya’t kailangan siyang arestuhin para matiyak ang kanyang pagharap at upang protektahan ang mga saksi at biktima.
Pinal na Pasya“ANG KAMARA AY NAGLALABAS ng mandato ng pag-aresto para kay Rodrigo Roa Duterte… para sa krimen na pagpatay laban sa Sangkatauhan alinsunod sa artikulo 7(1)(a)… bilang hindi direktang kasabwat … alinsunod sa artikulo 25(3)(a).”Huling Bahagi (pp. 14–15)Ang pinal na hatol ng Kamara: Mandato ng Pag-aresto laban kay Duterte para sa crimes against humanity – murder bilang indirect co-perpetrator.
 Save as PDF

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

ADVERTISEMENT

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This