Konteksto | Balita
Itinatakda ng mga nasa kapangyarihan ang nilalaman kahit na posibleng ipaglaban ng mga patnugot ang nararapat sa paghuhubog ng opinyong pampubliko.
ADVERTISEMENT
Itinatakda ng mga nasa kapangyarihan ang nilalaman kahit na posibleng ipaglaban ng mga patnugot ang nararapat sa paghuhubog ng opinyong pampubliko.
Kahit kailan, hindi matutugunan ng panukalang batas nina Dy at Marcos ang problema sa dinastiyang kontrol sa pambansa’t lokal na pamamahala. Magpapatuloy ang dominasyon ng iilang pamilya sa ehekutibo’t lehislatura. Magpapatuloy ang pagpapahirap sa mamamayan.
Para sa mga kakampi ng pamilyang Duterte, malaking bagay ang mga sinabi ni Co kahit na sa ngayo’y wala pang ebidensyang ibinibigay sa mga paratang. Kung paniniwalaan ang ilang hyperpartisan vloggers, si Co ay “bayani” dahil sa diumanong matapang na paglalahad ng katotohanan.
Sadyang sinasadya. Sinusunog dahil may binabalak. Dahil nasa kapangyarihan, kayang pagtakpan ng retorika’t pera ang anumang ginagawang kontra sa interes ng mga nasa laylayan ng lipunan. Harap-harapan ang pagnanakaw, patalikod naman kung umasta para itago ang ebidensiya.
Tandaang hindi porke’t mura o libreng edukasyon ay puwede na ang “mababang” kalidad. Kung tutuusin, mas nararapat ang dekalidad na edukasyon kung mahirap ang estudyante!
Nagsimula ang lahat sa isang kampus sa Taft Avenue kung saan estudyante ako sa antas masterado. Nagkaroon ng bakante para sa isang lektyurer. Tinanong ako ng mga kaklaseng guro kung interesado akong mag-apply.
Patuloy ang batuhan ng akusasyon sa Kongreso. Matindi ang pagdiin sa ilang personalidad samantalang maingat naman sa iba pa. Tila ayaw marinig ang buong katotohanan at nais lang makuha ang impormasyong aayon sa pansariling interes.
Hindi karahasan ang mambato ng putik o bulok na gulay dahil galit sa mga magnanakaw at kurakot. Bakit hahanapan ng pagkilos na “mapayapa” o “disente” kung patuloy ang pambabastos at malaswang pagpapakita ng karangyaan sa gitna ng kahirapan?
Sa paghuhubog ng opinyong pampubliko, lahat ng porma ng peryodismo ay may kaakibat na pagsusuri’t imbestigasyon.
Sadyang walang maniniwala sa anumang palusot habang nagbabasa, nanonood o nakikinig ng balita mula sa bubong ng bahay at naghihintay na iligtas sa matinding pagbaha. Normal ang pagsuspetsahang kinurakot ang kaban ng bayan kung halatang tumataba ang bulsa ng mga nasa kapangyarihan.
Sa bawat pabirong post na kailangan nang maghanap ng imburnal para magkapera, nalalantad ang karumal-dumal na sitwasyon ng mahihirap na napagkakaitan ng batayang serbisyo tulad ng libreng pabahay.
Sadyang may mga handang gumastos ng milyon-milyon o bilyon-bilyong piso dahil sobra-sobra ang kanilang mababawi kapag nakaupo na sila.
Bakit hindi matuto ang mga pinahihirapang Pilipino? Mali tanong ito. Sa katunayan, matagal na silang natuto. Ang problema lang, madalas na walang matinong mapagpilian lalo na sa lokal na antas.
Totoong maraming peke. Hindi lang sila produkto kundi mayroon ding mga tao. Sama-samang iwaksi ang mga kapitalistang nagsasabing nasa puso ang makatulong pero nasa utak naman ang tubo. Sila ang mga pekeng dapat ilantad sa mundo.
Huwag nang magulat si Duterte at ang mga tagasuporta niya kung maraming peryodistang nagbubunyi sa kanyang kinasasadlakan sa Oude Waalsdorperweg 10, 2597 AK Den Haag, The Netherlands. Arestado na, detenido pa. Dapat lang na pagbayaran niya ang kanyang mga ginawa.
Bukal ng karunungan ang karanasan ng mga nasa laylayan sa lipunan. Sa kanila rin nanggagaling ang motibasyon para pahusayin ang kaalaman tungo sa klase ng pagbabagong makatutulong sa kanila.
Para sa ating dalawa, susing salik sa mas malakas na pagsasama ang pagkakaroon ng isang anak. Sinisikap nating palakihin siya nang matino, gamit ang dangal at husay hindi lang mula sa libro kundi mula sa nakakasalamuha niya.
Napanood mo ba ang viral na bidyo? Sige, panoorin mo pang muli. Sana nama’y higit pa sa 42 segundo ang pagninilay-nilay sa konteksto ng mga pangunahing karakter. Huwag din sanang mabilis na maghusga, lalo na sa ginawa ng guwardiya.
Walang problema kung nais paniwalaan ang kasabihang “Habang may buhay, may pag-asa” pero mas mainam na isakonteksto ito sa mahigpit na pagkakaisa ng mas malawak na mamamayan.
A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.