Bini o BINI? Bloom o BL&infi;M? May letrang “s” ba dapat sa dulo ng Bloom/BL&infi;M kung tinutukoy ang napakaraming tagahanga? Ano-ano ang mga akmang salita sa panahon ng kasikatan ng walong binibini? Kailangan ba talagang may salitang “Bini” bago ang mga pangalang Aiah, Colet, Gwen, Maloi, Jhoanna, Mikha, Sheena at Stacey? Sige na nga. Baka ito ang patakaran sa tinaguriang BINIverse!
Category: Konteksto
Oposisyon
Hindi porke’t wala na sa posisyon ay oposisyon na. Hindi maikakahon ang mga indibidwal at grupong kritikal sa administrasyon o gobyerno. May mga kritikong itinataguyod ang kapakanan ng mga naghihirap. May mga kritikong itinataguyod lang ang sarili habang ang mga naghihirap ay lalo pang pinahihirapan.
Konteksto | Socmed
Sa kabila ng karanasang multimedia, sana’y huwag pa ring kalimutan ang kahalagahan ng pagbabasa. At dahil limitado o halos walang oportunidad para makahawak man lang ng libro, patuloy na singilin ang gobyerno sa mga pagkukulang nito sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa.
Konteksto | Akademya
Pagtuturo, pananaliksik at gawaing ekstensiyon—tatlong pangunahing gawain ng isang guro. Mabigat na responsibilidad sa gitna ng mataas na inaasahan. Maraming ginagampanan kahit ramdam ang kapaguran. Ano na nga ang ibig sabihin ng “Prof.”? Professionally exhausted?
Init
Nakakailang palit ka ba ng damit mula umaga hanggang hapon? Hindi lang ba isa kundi tatlong bentilador ang ginagamit para hindi masyadong pawisan? Pagkatapos mag-almusal o mananghalian, kinukuha na ba ang tuwalya bago pumunta sa banyo? Pangalawa o pangatlong beses mo na bang maligo sa araw na ito?
Tibak
Kung tutuusin, ang konsepto ng pamilyang minamahal ay hindi lang ang mga kadugo dahil kasama rin ang mga kaibigan, kamag-anak, kapit-bahay at iba pang kakilala.
Babae
Ginagamit ang termino sa wikang Ingles na “double burden” para ilarawan ang kalunos-lunos na pinagdaraanan ng mga babae, lalo na ang mahihirap. Nagiging doble ‘di umano ang pasanin dahil sa pagiging manggagawang babae at pagiging “housewife.” Pero mas akma ang terminong “multiple burden.”
EDSA
Tatlumpu’t walong taon matapos ang “People Power” (pati na ang pagtatapos ng aming Batch 1986 noong high school), nakatago pa ang mga medalya at sariwa pa ang alaala ng pakikibaka. Pinakamalaking karangalan ang mamulat sa katotohanan ng karanasan, pati na ang pagsisimula ng pagsisilbi sa bayan. Kumpara sa mga medalya, hinding-hindi ito kukupas.
Pag-ibig
Tulad ng perspektiba ng mga magkasamang dalhin ang relasyon sa mas mataas na antas, ibang antas din ang pakikipagrelasyon ng isa sa mas malawak na mamamayan. Isa man o dalawa, mas mahalaga ang malasakit sa kapwa.
Pagtanggi
Walang problema. Para sa mga ordinaryong mamamayan, “ayos lang” ang kahulugan. Para naman sa mga nasa kapangyarihan, ito ang “tamang daan” para takasan ang pananagutan. Hindi kasi kailangang tugunan ang problemang hindi kinikilala. Walang krisis sa ekonomiya kung wala o kakaunti lang ‘di umano ang naghihirap. Walang “red-tagging” kung ang mismong salita’y wala raw sa…
Grado
Tinaguriang “hell week” ngayon sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD), pati na sa iba pang unibersidad na may halos kaparehong kalendaryong pang-akademiko. Sa unang dalawang linggo ng Enero 2024, abala ang maraming estudyante sa pagkuha ng pinal na eksaminasyon at pagpasa ng mga kahingian sa kurso (course requirements). Lahat ng pinaghirapan, pinagpuyatan at iniyakan, siyempre’y may katapat na grado.