close

Bilang ng NPA, dumarami sa ilalim ni Marcos Jr.


Patuloy na dumarami ang mga kasapi ng New People’s Army ayon kay Marco Valbuena, chief information officer ng Communist Party of the Philippines, sa isang pahayag nitong Hul. 21.

Patuloy na dumarami ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ayon kay Marco Valbuena, chief information officer ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa isang pahayag nitong Hul. 21.

Taliwas ito sa mga deklarasyon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Presidential Adviser on Peace Carlito Galvez Jr. na magiging “insurgent-free” na ang Pilipinas sa ngayong taon.

Ani Valbuena, paulit-ulit lang daw ang buladas ng rehimen, pero sa nakalipas na 30 taon, kasaysayan na ang nagpatunay na walang katuturan at pawang nag-iilusyon lang ang mga ito.

Dagdag pa niya, ang lumalalang krisis ng kagutuman at malaganap na pasistang atakeng nararanasan sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr. ang lalong nagtuturo sa mamamayan ng landas ng armadong pakikibaka. 

Sa desperadong kagustuhan ng rehimen na pulbusin ang CPP-NPA at ang rebolusyonaryong kilusan, pinakilos ni Marcos Jr. ang hayok sa dugong militar nito para maghasik ng lagim sa kanayunan.

Sa tala ng CPP, hindi bababa sa 175 ang pinatay ng militar sa nakalipas na dalawang taon na karamiha’y magbubukid.