close

Talasalitaan

Hamas

Kumakatawan sa Islamic Resistance Movement at sa wikang Arabe ay nangangahulugang “kasigasigan.” Isa din itong Palestinian armed group at political movement sa Gaza Strip.

Protesta o demonstrasyon

Pampublikong aksiyon ng pagtutol o hindi pagsang-ayon laban sa pampolitikang kalamangan. Maaari ring magkaroon ng iba't ibang anyo, mula sa mga indibidwal na pagpapahayag hanggang sa mga maramihang demonstrasyon sa lansangan.

Remittance Tax

Sa bagong buwis na ipapataw ng administrasyon ni Donald Trump, pinangangambahan ang pagbulusok ng mga remittance.

Karapatang sibil at pampolitika

Uri ng mga karapatan na nagtitiyak sa malayang pakikilahok ng tao sa sibil at politikal na buhay ng lipunan at ng estado at nagbibigay proteksiyon mula sa paglabag ng mga pamahalaan, mga organisasyong panlipunan at mga pribadong indibidwal o institusyon.

Tariff o taripa

Isang uri ng buwis na ipinapataw sa mga produkto na inaangkat mula sa ibang bansa na papasok sa isang bansa o mga produktong ilalabas sa isang bansa.

McCarthyism

Kinatangian ang panahon ng McCarthysim ng pagkriminalisa sa subersyon at komunismo. Karaka-raka at arbritaryong akusasyon sa mga kalaban sa politika at progresibong puwersa at mga walang pakundangan pag-target sa sibilyang populasyon

Hors de combat

Sang-ayon sa mga panuntunan ng internasyonal na makataong batas, dapat tratuhin o kilalanin ang mga hors de combat nang makatao bilang mga bilanggo ng digmaan.

Kidapawan Massacre

Pinaulanan sila ng bala na mula sa mga ripleng M-16. Tatlo ang kumpirmadong bumulagta. Sugatan ang 166 habang 88 ang nawawala na hinihinalang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya.

Crimes against humanity

Ang mga krimen laban sa sangkatauhan ay madalas na ginagawa bilang bahagi ng mga patakaran ng estado gamit ang armadong puwersa nito o mga puwersang paramilitar.

Rebolusyong agraryo

Susi ang rebolusyong agraryo para lutasin ang pangunahing problema ng masang magsasaka sa kanayunan—ang piyudal na pagsasamantala at ang kawalan ng sariling pag-aari sa lupang binubungkal.