close

Isinauling sobrang pondo ng Philhealth, pinaiimbestigahan


Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang isinauling P90 bilyon sa national treasury sa kabila ng patong-patong na utang ng ahensiya sa mga ospital.

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc upang imbestigahan ng House Committee on Health (COH) ang pagsauli ng halos P90 bilyong sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa national treasury, alinsunod sa direktibang inilabas ng Department of Finance nitong Abril. 

Ani ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, labag ito sa Section 11 ng Republic Act 11223 o Universal Healthcare Act.

“Hindi makatarungan ang pagsauli ng sobrang pondo lalo na ngayong naghihirap ang mamamayan sa mahal at kulang na health services sa gitna ng lumalalang krisis sa kalusugan sa bansa,” ani Castro.

Kinuwestiyon din ni Senate President Chiz Escudero kung paano nagkaroon ng sobrang pondo ang Philhealth gayong maraming pagkakautang at hindi nababayaran ng ahensiya ang mga ospital.

Siniguro naman ng Senado na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa Philhealth, Department of Budget Management, Department of Finance at Department of Health sa usaping ito.