close

Manggagawa ng Sofitel, iginiit ang katiyakan sa trabaho

Nanatiling matigas ang management sa pagtanggi nitong magbigay ng siguradong trabaho sa mga manggagawa sa muling pagbabalik operasyon ng establisyamento.

Ilang araw bago tuluyang itigil ang operasyon ng Sofitel, patuloy ang panawagan ng mga manggagawa sa Philippine Plaza Holdings, Inc. na panatilihin ang kanilang mga trabaho, kilalanin ang kanilang unyon at kilalanin ang kanilang collective bargaining agreement (CBA).

Ayon sa pahayag ni Philippine Plaza Chapter (PPC) president Nestor Cabada, sa kabila ng pagsisikap ng unyon na makabuo ng kasunduan noong Hun. 25, nanatiling matigas ang management sa pagtanggi nitong magbigay ng siguradong trabaho sa mga manggagawa sa muling pagbabalik operasyon ng establisyamento.

Dagdag pa niya, ito’y isang hakbang na maaari lang ilarawan bilang tahasang pagbuwag sa unyon. 

Gayunpaman, naniniwala ang mga manggagawa na hindi titigil sa operasyon ang hotel at sasailalim lang sa rehabilitasyon. 

Giit pa nila, hindi sila titigil at ipaparinig nila ang kanilang mga boses at panawagan hanggang sa mga lansangan.