close

Unyon ng UP Hotel, nagprotesta


Hindi ibinigay ng management ang kaukulang allowance nila para sa leave credential, clothing allowance at due process sa suspensiyon na nakapaloob sa collective bargaining agreement.

Nagprotesta ang University Hotel Workers Union (UHWU) noong Hun. 2 dahil sa paglabag ng management ng University Hotel (UH) sa University of the Philippines Diliman sa collective bargaining agreement (CBA).

Sa pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sinabi ng mga manggagawa na hindi ibinigay ng UH ang kaukulang allowance nila para sa leave credential, clothing allowance at due process sa suspensiyon na nakapaloob sa CBA.

Desidido ang mga empleyado na kalampagin ang UH upang balikan at ipatupad ang mga napagkasunduang benepisyo sa mga empleyado.

Sinabi naman ni UHWU vice president Jerry Podo na dapat silang harapin at kausapin ng management para masolusyunan ang kanilang problema.

Nagpapatuloy ang protesta ng mga manggagawa dahil walang inilalapag na solusyon ang management ng UH para sa mga hinaing ng empleyado.