close

Balita

Pamilya ng aktibista sa Kalinga, hinaras ng pulisya

Ayon sa ulat, sapilitang pinasok ng tinatayang 20 pulis, kabilang ang pitong nakasuot ng bonnet o mask, ang compound nina Elma Awingan-Tuazon sa Barangay Cawagayan noong hapon ng Nob. 30 habang wala si Awingan-Tuazon sa bahay.

Suspensiyon ng VAT sa e-books, hiniling

Ikinatuwiran ni Eldrige Marvin Aceron, executive publisher ng San Anselmo Press, na ang pagpataw ng buwis sa mga digital book ay “unconstitutional, regressive, and a direct assault on the Filipinos' right to read.”

Gabriela HK, nagdiwang ng ika-16 na anibersaryo

Nagdiwang ng ika-16 na taon ang Gabriela Hong Kong bitbit ang panawagan laban sa mga isyung kinahaharap ng kababaihan sa loob at labas ng Pilipinas kabilang ang kahirapan, karahasan, korupsiyon at impunidad.

Digong, mananatili sa detensiyon sa The Hague

Ibinasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court sa Netherlands ang apela ni Rodrigo Duterte para sa pansamantalang kalayaan noong Nob. 28. Nauna nang tinanggihan ito ng Pre-Trial Chamber I noong Setyembre.

Tsuper sa Baguio, lugmok sa utang sa modern jeepney

Lubog ngayon sa utang ang mga tsuper at opereytor ng jeepney sa Baguio City na nagpakonsolida dahil sa hindi awtorisadong paggamit ng pondo ng dating pamunuan ng Cordillera Basic Sectors Transport Cooperative.