Espesyal na Ulat

Isang dekada mula Yolanda, hindi pa rin natuto

Sampung taon matapos humagupit ang bagyong Yolanda sa Silangang Kabisayaan, kita pa rin ang pinsala na iniwan ng sakuna. Mas lalo pang pinatindi ng mga proyektong hindi nakatuon sa kapakanan ng mga komunidad, kabuhayan at kalikasan.

Ano ang nangyayari sa Gaza? | Baha ng Al-Aqsa

Tinawag na Palestinian resistance, nagsanib ang dating hiwa-hiwalay na mga armadong paksyon para ilunsad ang pambihirang operasyon. Nagulantang ang sandatahang lakas ng Israel na ipinagmamalaking isa sa pinakamalakas at pinakasopistikado sa mundo.

Ano ang nangyayari sa Gaza? | Zionistang okupasyon

Itinatag ang Estado ng Israel noong Mayo 1948 sa Palestine. Para maitatag ito, 15,000 ang pinatay ng Israel mula 1947 hanggang 1949 sa malawakang pagmasaker at sapilitang pagpapalikas sa mga Palestino, tinawag ito sa kasaysayan bilang “Nakba” o delubyo sa wikang Arabo.

Paano naiiba ang mga kandidatong progresibo?

Sa tuwing eleksiyon, lahat ng mga kandidato ay langit at lupa ang ipinapangako. Pero may mga kandidatong hindi ipinapangako ang langit at lupa kapag naupo sila sa puwesto: dahil sa totoo lang, anila, imposible ito sa loob ng kasalukuyang sistema ng gobyerno.

Sila-sila: Dinastiyang Politikal sa Pilipinas

Kapansin-pansin ang monopolyo ng iilang pamilya sa politika ng bansa. Silang nakatatakbo sa eleksyon ay nagmumula sa iilang pamilya lamang. Silang nakatatakbo sa halalan ay sila ring matagal nang may kapangyarihang pampolitika at kapangyarihang pang-ekonomiya.