Nonito Donaire bagong kampeon ng bantamweight

February 20, 2011

Napagwagian ni Nonito “the Filipino Flash” Donaire ang pagsasagupa nila ng Mehikanong si Fernando Montiel para sa bantamweight championship. Hindi makapaniwala sa nasaksihan ang mga Mehikanong dumalo sa main event ng boksing, na ginanap sa Mandalay Bay Las Vegas. Isang kaliwa ang dumapo sa pisngi ni Montiel galing kay Donaire na nagpabagsak sa Mehikanong kampeon […]

Smart Gilas bigong magkampeon sa Dubai

January 31, 2011

Dubai, UAE – Bigo ang Smart Gilas-Pilipinas na masungkit ang kampeonato sa ika-22 Dubai International Basketball Championship na ginanap sa Al Ahli Club Sabado ng gabi. Ginamit ng Al Etihad Egypt ang kanilang taas at nagpaulan ng sunod-sunod na 3-points para masilat ang Smart Gilas sa iskor na, 84-75. Una na ring tinalo ng Al […]

Taas-noo pa rin ang Pilipinas sa 2010 AFP Suzuki Cup

December 21, 2010

Hindi man umabot sa finals ang Team Azkals ng Pilipinas sa 2010 AFP Suzuki Cup, may rason pa rin sila na magbunyi, at lalo pa na karangalan ng buong bansa. Ginapi ng Indonesia sa kabuuang 2-0 sa dalawang laro ang Azkals sa semifinal round ng torneo upang kaharapin ang Malaysia sa kampeonato. Ngunit ito na […]

Liga ng Expat ikinasa ng mga Pinoys sa UAE

December 21, 2010

Labimpitong bansa ang magsasagupa sa palaruan ng basketball sa susunod na taon. Bubuuin nila at paglalabanan ang kauna-unahang Dubai Expat Basketball League (DEBL), isang liga na kinonsepto ng mga Pilipino at bubuuin ng mga expats na naninirahan at nagtatrabaho sa Dubai. “UAE is home to almost 100 nationalities; its population is 80% expats,” ang saad […]

Kailangan pa nga ba ni Pacquiao si Floyd Mayweather Jr?

November 24, 2010

Isang pinsala sa orbital bone ang natamong pinsala ni Antonio Margarito sa pakikipagharap niya kay Manny Pacquiao nitong nakaraan lamang. Matapos ang 12 rounds, hindi umubra ang mas mataas na timbang at di-hamak na bentahe sa taas at haba ng abot ng suntok ng Mehikanong si Margarito sa tinaguriang Pambansang kamao ng Pilipinas. Namaga ang […]

Tatlong PBA Stars isasali sa RP Smart-Gilas

October 19, 2010

Tutungo sina Asi Taulava, Sol Mercado at Kelly Williams sa Guangzhou, China upang tulungan ang RP Smart-Gilas sa kampanya nito sa Asian Games. Nakarating na sa pagsangayon ang mga kampo nina Williams at Taulava sa pagpapahiram nila sa kanilang mga manlalaro sa Team Pilipinas. Nagsimula ito ilang buwan ang nakalipas nang nagsaad ng kagustuhan si […]

Pinas dapa sa qfinals ng FIBA U18

September 29, 2010

Pinadapa ng Chinese Taipei ang pambansang koponan ng Pilipinas, sa unang laro ng quarterfinals ng FIBA U18 men’s basketball championship na ginaganap sa kasalukuyan sa Sena’a, Yemen. Uminit ang kamay ng mabibilis na manlalaro ng Chinese Taipei at kumana sila ng 26 puntos sa ikaapat na quarter tungo sa 81-64 nilang pagwawagi sa mga Pinoy. […]

MMA Champ St. Pierre bilib kay Pacquiao

September 28, 2010

Isa pang pound-for-pound king sa kanyang disiplina ang pumanig at naniwala sa kakayanan ni Manny Pacquiao pagdating sa ideyang laban niya laban kay Floyd Mayweather Jr. Ito ang paniniwala ni Georges St-Pierre, ang kasalukuyang kampeon sa Ultimate Fighting Championship welterweight division at ang top pound-for-pound fighter sa larangan ng mixed martial arts, sa kanyang pagtungo […]