
By BEA PANLAQUI
Talaga namang nakakagalit ang lantarang korapsyon sa gobyerno. Sa isang taon ko bilang Research Assistant, nakita ko mismo ang napakaraming suliraning kinakaharap ng mga scientists, researchers, at iba pang STEM professionals sa Pilipinas—delayed na sahod, contractualization, kawalan ng sapat na pondo para sa research and development, at kakulangan ng lokal na industriya na tatanggap at magbibigay oportunidad sa ating science professionals na i-practice ang kanilang expertise. Dahil dito, marami ang napipilitang mangibang-bansa para makahanap ng disenteng trabaho.
Kasabay nito, patuloy naman ang pagtaas ng presyo ng bilihin habang nananatiling mababa at kakarampot ang sahod. Ramdam din natin ang hirap sa paghahanap ng pondo para sa research projects—mula sa simpleng lab materials at reagents, hanggang sa job openings para sa researchers.
Sa kabila ng mga ito, makikita sa 2025 national budget ang maling prayoridad ng gobyerno: dalawang bilyong piso ang kaltas sa UP, walang dagdag na pondo para sa DOST, at sa halip na palakasin ang agham at teknolohiya, napupunta ang pera sa confidential funds at pork barrel. Imbes na ilaan ang pondo ng bayan sa pananaliksik at lokal na industriya, ginagamit ito sa pagpapayaman ng tiwaling opisyal at pagpapatupad ng mga polisiyang nagpapalala ng krisis pang-ekonomiya.

Hindi ito maayos na pamamahala. It is systemic corruption, and it must end.
Simple lang naman po ang panawagan namin: Transparency. Accountability.
Ito ay mga bagay na kahit tayong mga empleyado ng gobyerno, ay kinakailangang ipatupad. Dumadaan tayo sa napakahabang proseso sa procurement dahil pera ito ng taumbayan. May karapatan ang mamamayan na malaman kung saan napupunta ang kanilang buwis, at dapat itong ilaan sa serbisyong pampubliko—edukasyon, healthcare, research, at pagpapaunlad ng lokal na industriya. Hindi dapat ito ginagamit para punuin ang bulsa ng iilan.

Dahil dito, nananawagan kami ng pananagutan mula kay Sara Duterte, na sa halip na humarap sa imbestigasyon ay patuloy na iniiwasan ang isyu at pinapanatili ang katiwalian. Lalo pang pinapalala ito ni Pangulong Marcos Jr., na hinaharang ang impeachment upang protektahan ang kanyang kapangyarihan.
The Filipino people do NOT deserve this. WE don’t deserve this—bilang mga siyentista at bilang mga mamamayan.
Kaya nananawagan ako sa UPD STEM community—sa aking mga kapwa RAs, sa lecturers, faculty, at admin—magkaisa tayo sa laban na ito. Kailangan nating lumabas mula sa ating mga labs, classrooms, at opisina upang makiisa sa iba pang mamamayang Pilipino. Dahil ang krisis na ito ay hindi lang tungkol sa ating trabaho—ito ay tungkol sa kinabukasan ng agham, edukasyon, at ng buong sambayanang Pilipino.
This statement was given by the author who is a researcher at the National Institute of Molecular Biology and Biotechnology at UP Diliman and a member of AGHAM Diliman, during a protest action by the STEM community at the College of Science, UP Diliman on January 30, 2025.
Bea is an aspiring molecular biologist and graduate student currently working as a research associate at the National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, UP Diliman. Her research interests include immunology, structural virology, and the molecular mechanisms behind tropical infectious diseases. She loves her cat, and makes art in her free time.
0 Comments