close
Plantita C

Organic fertilizer para sa halaman


Subukang gumawa ng sariling pataba para sa mga halaman gamit ang mga pinagtalupan ng gulay at prutas.

Kulang na nga sa kita pandagdag pa na gastusin ang bumili ng fertilizer. Madali lang naman gumawa ng fertilizer o pataba para sa inyong mga tanim. 

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng inyong organic fertilizer:

  1. Magtabi ng itim na timba na may takip. Kailangang madilim ang container dahil nakakatulong ito sa proseso ng pagpapakatas ng sustansiya ng mga itatambak na mga pinagbalatang gulay at prutas. Lagyan ng kaunting lupa.
  2. Sa container, ilagay ang mga pinagbalatan ng prutas at gulay. Maigi kung ito ay mahimay sa maliliit na piraso upang agad na mabulok at kumatas. Sa tuwing maglalagay, haluan ulit ng lupa upang ‘di bumaho at mataboy ang mga peste.
  3.  Matapos ang isang buwan at napuno na ang balde ibuhos, sa lapag at haluhaluin. Maaari niyo na ito ihalo sa inyong mga halaman. 
  4. I-cultivate o hukayin ang lupa sa mga paso at haluan ng inyong organic fertilizer.
  1. Magtabi ng dalawang 10 litro na mineral water container. Tiyaking may mga takip ito upang ‘di mangamoy ang pagbulok ng mga pinagbalatan. 
  2. Itabi ang balat ng saging na saba, mga balat ng gulay gaya ng carrots, patatas, kalamansi at iba pa. Magdurog ng balat ng itlog at ihalo din.
  3. Ilagay lahat sa loob ng container at haluan ng tubig at takpan. Hayaang matunaw. Matapos ang isang buwan, mapapansin na katas na lang ng mga balat ang makikita. Haluin nang mabuti at salain. Maaaring ilagay ang nasala sa ilalim ng lupa at ilagay ang katas bagong lalagyan na may takip.
  4. Maaaring n’yo na itong gamitin. Gamit ang takip ng container bilang panukat, ihalo ang isa hanggang tatlong takip ng katas sa isang baldeng tubig. Maaari rin ang naipong tubig-ulan. Ito na ang inyong pandilig sa mga halaman.

Masayang paghahalaman sa lahat!