close
Avatar

Deo Montesclaros

Si Deo Montesclaros ay manunulat at tanggol-kalikasan mula sa Cagayan Valley region.

Unyonista sa BPO, pinaslang

Nananawagan ng hustisya ang iba’t ibang grupo sa pagpaslang kay Alex Dolorosa, unyonista at paralegal officer mula sa BPO Industry Employees’ Network (BIEN).

Lason sa karagatan, kahirapan sa mamamayan

Hindi matatawaran ang naging pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at karatig na mga rehiyon. Sa paglubog ng barkong MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa nasabing probinsiya, ano ang naghihintay sa mga mangingisda na ang tanging pinagmumulan ng kabuhayan ay ang karagatang nilason ng langis?

Umento sa sahod sa pananaw ng pamilyang Pilipino

Hindi na makasasapat ang katagang “isang kahig, isang tuka” upang ilarawan ang matinding kahirapan ng mamamayan. Sa harap ng walang awat na pagtaas ng presyo ng bilihin, hindi na makaagapay ang kakarampot na sahod ng mga manggagawa sa kasalukuyan. 

RCEP kapalit ng soberanya at makabayang pag-unlad

Sa loob ng 40 taon ng globalisasyon nanatiling bansot at atrasado ang lokal na industriya sa Pilipinas. Sa muling pagpasok ng bansa sa panibagong Free Trade Agreement (FTA) ikinababahala ng mamamayan na patuloy tayong maitatali sa makaisang-panig at makadayuhang pag-unlad.

Modernisasyon para kanino?

Simple lang ang katuwiran ng sektor ng transportasyon. Mahal ang bagong jeepney na inilalako ng gobyerno sa mga drayber at maliliit na operator. Para mabayaran ito kailangan ng taas-pasahe na babalikatin ng mga komyuter na manggagawa, na hindi naman tumataas ang suweldo.

Hindi lunas ang Cha-cha

Laging bukambibig ng mga nagdaang rehimen ang pag-amyenda sa Konstitusyon. Ngunit sa likod ng pagnanais na alisin ang mga probisyong pumuprotekta sa pambansang ekonomiya at patrimonya, nariyan ang mga puwersang nagnanais gamitin ang Cha-cha para matagal na makapaghari sa bayan.

Pambobomba sa Cagayan, kinondena

Kinondena ng samahan ng mga magsasaka na Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan) ang ginawang pambobomba ng 17th Infantry Battalion, 501st Infantry Brigade at Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force sa Brgy. Hacienda Intal, sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Pebrero 2.

Rebolusyonaryo sa panulat at sa gawa

Hindi armchair revolutionary si Sison. Pinipino niya ang teorya habang kalahok sa pang-araw-araw na buhay ng rebolusyon. Ang pakikibaka ang kanyang naging malaking paaralan upang mabigyang kasagutan ang mga tanong at agam-agam sa pagsusulong at pagpapatuloy ng rebolusyon.

Pagmimina sa Sibuyan, pinigilan ng residente

Pansamantalang napigilan ng mamamayan ng Sibuyan Island ang konstruksyon ng causeway sa Sitio Bato sa bayan ng San Fernando, Romblon, matapos ang halos dalawang linggong tensiyon sa pagitan ng mga residente, pulisya at mga tauhan ng Altai Mining Philippines Corp. (APMC).