close
Sonny Africa

Sonny Africa

Sonny Africa is a progressive economist and executive director of Ibon Foundation, Inc.

Hindipendence Day: Totoo ang ‘The Matrix’

Nailatag ang pundasyon ng kontrol ng US sa bansa noong brutal na Digmaang Pilipino-Amerikano na naging unang pagpapamalas ng hard power ng US sa Asya. Mula noon, ginamit na ng US ang lakas nito sa militar at ekonomiya para diktahan ang patakarang pang-ekonomiya at pampolitika ng bansa.

Kapitalista ang nagpapataas ng presyo, hindi umento sa sahod

Kagyat, makatarungan at kayang gawin ang mataas na across-the-board na pambansang umento sa sahod—at hindi ito magreresulta sa pagtaas ng presyo kung ibabahagi ng mga kapitalista ang malaking tubo nila sa mga obrero imbis na itaas ang presyo at ipasa sa konsyumer.

Kung ayaw ng wage hike, maraming dahilan

Kailangang isabatas ang dagdag sa sahod dahil malubha na ang sitwasyon. Para naman sa mga tutol dito, madaling ipagdiinan ang sistema ng regional wage board dahil matagal na itong nagagamit para proteksiyonan ang interes ng kapitalistang tubo.

Unang 100 araw ni Marcos Jr: Lumabas na ang katotohanan

Nabigo ang administrasyong Marcos Jr. na gumawa ng anumang mahalagang hakbang sa panahong ito. Kinumpirma lang nito na hindi nito kayang tanawin ang anumang tunay at malalimang pagbabago. Malabo nang makapagtakda ito ng bagong direksiyon sa natitirang panahon ng anim-na-taong termino nito. Para mangyari ito, kailangang magmula ang pagbabago sa mga mamamayang may pinakamalaking interes na mapabagsak ang mapanupil na kalagayan ngayon.