close

Talasalitaan

Imperyalismong Estados Unidos

Ang imperyalismong Estados Unidos ay may mahabang tradisyon ng pakikialam sa militar, politika at ekonomiya sa panloob na mga gawain ng ibang mga bansa mula pa noong 1945.

Tanggol-kalikasan

Mga indibidwal o grupo na nagpoprotekta sa kapaligiran o likas na yaman ng bansa laban sa mga mapanira, mapagsamantala at mapandambong na malalaking burgesya komprador at mga dayuhan lalo na sa industriya ng pagmimina sa bansa.

Poverty threshold

Halaga ng kita na maaaring makatugon sa pinaka-minimun na pagkain at iba pang pangangailangan ng isang tao o pamilya. Kasama na rito ang damit, tubig, kuryente, upa sa bahay, transportasyon, komunikasyon, kalusugan, edukasyon at marami pang iba.

Gross Domestic Product o GDP

Sinasalamin ng gross domestic product at nagbibigay ng indikasyon kung malusog at matatag ang paglago ng isang ekonomiya sa isang partikular na panahon.

Mangingisda o Mamamalakaya

Kung wala ang mga mangingisda, walang pagkain sa hapag kainan na ulam. Mahalaga ring uri na hanapbuhay dahil napapakain ang pamilya at ang buong mamamayan ng bansa. 

Guro at kawani

Paano magkakaroon ng kapayapaan kung ang guro at kawani ay walang umento sa kanilang suweldo? Paano magkakaroon ng kapayapaan kung hinaharas ka ng estado kasabwat ang mga pulis at sundalo?

Bungkalan

Binubuhay ng bungkalan ang diwa ng paninindigan at pagkakaisa sa karapatan sa lupa ng mga magsasaka sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay.