Impeachment ni Joseph Estrada
Ang makasaysayang pagbagsak Joseph Estrada ang patunay walang pangulo o may kapangyarihan na ligtas sa paniningil ng masang Pilipino.
Dalawampu’t limang taon na ang lumipas mula nang bumoto ang House of Representatives noong umaga ng Nob. 13, 2000 upang i-impeach si Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos akusahan ng korupsiyon, pandarambong, panunuhol, perhuryo at pagtataksil sa tiwala ng publiko.
Nasundan ito agad kinahapunan ng pagsisimula ng paglilitis sa Senado na sinubaybayan ng buong bansa sa telebisyon at radyo. Sa mga unang linggo ng paglilitis, marami ang umasa na magkakaroon ng linaw ang mga alegasyon kay Estrada.
Ngunit noong Ene. 16, 2001, bumoto ang 11 sa 21 senador na huwag buksan ang “second envelope” na naglalaman umano ng ebidensiya sa mga tagong bank account ni Estrada. Nagdulot ito ng pagkadismaya sa taumbayan at itinuring na pagtatakip ng katotohanan.
Bilang tugon, nag-walkout ang prosekusyon at bumuhos sa mga lansangan ang mamamayan upang ipahayag ang matinding galit.
Sa mga sumunod na araw, daanlibong Pilipino ang dumagsa sa EDSA. Muling umalingawngaw ang mga panawagan para sa hustisya at pagbabago.
Sa paglipas ng mga araw ng protesta, lalong tumindi ang panawagan para sa pagbibitiw ni Estrada. Umalis siya sa Malacañang kasama ang kanyang pamilya sakay ng isang barge sa Pasig River noong Ene. 20, 2001.
Ang makasaysayang pagbagsak Estrada ang patunay walang pangulo o may kapangyarihan na ligtas sa paniningil ng masang Pilipino.