close

Editoryal

PNP, Jonvic, Isko, sinungaling

Patong-patong na kasinungalingan lang ang sinasabi nila para umilag sa sisi at pananagutan sa pambubugbog at pamamaril nila ng mga bata sa harapan ng mamamayan.

Marcos, ang original kurakot

Nagkukuntsabahan ang iba’t ibang sangay ng gobyerno para tiyakin ang mga kickback sa pondo. Sa ulo ng lahat ng ito, ang ehekutibo, ang pangulo. 

Binabaha ng anomalya

Sa ganitong sunod-sunod na rebelasyon, napakahalaga na magtapos ang kuwento sa pagpapanagot ng lahat ng sangkot, kasama ang mga nasa kataas-taasan na nagpapaikot sa roleta.

Bantayan ang pondo ng bayan

Hindi sa direktang serbisyo napupunta ang kaban ng bayan, kundi sa bulsa ng mga kurakot na opisyal at kaalyado at mga dayuhang bangko at mamumuhunan.

Hindi napipiit ang pakikibaka

Kriminal ang tingin ng estado sa mga katulad nilang may puso’t malasakit sa mahihirap; terorista ang turing sa kanilang nagtataguyod ng isang lipunang malaya’t makatarungan.

Ano raw? Ampaw!

Lampas isandaang beses pinalakpakan ang delusyonal at ampaw na talumpati ni Ferdinand Marcos Jr. Silang mga rumampa sa magarbong pagtitipon sa bulwagan ng Kongreso rin kasi ang nakinabang sa pinagtatakpang kahirapan, korupsiyon at kawalang pananagutan sa bansa.

Kano muna bago Pinoy

Sa gitna ng paghihirap ng mamamayan, inuuna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paninikluhod sa United States. Amerikano muna ang paglilingkuran at imbis na ang sambayanang Pilipino na humaharap sa matinding krisis sa kabuhayan at pagbabago ng klima.

Taya sa huwad na pag-asa

Hangga’t mababa ang sahod, mahal ang gastusin, nasa iilan ang lupain at pribilehiyo pa rin ituring ang mga karapatan tulad sa kalidad na edukasyon at sariling pagpapasya, hahanap at hahanap ang mga tao ng mapagkukunan ng katiting na pag-asa.