close

Dumpling soup para sa malamig na panahon


Sa paggawa ng resiping ito, maaaring gumawa ng sariling dumplings o gumamit ng ready-made dumpling wrappers.

Mas ramdam ngayon ng marami sa atin ang hindi pangkaraniwang lamig ng panahon. Hindi ito ang karaniwang ginaw na mabilis nawawala sa pagsikat ng araw, kundi lamig na dahan-dahang sumisingit sa mga bintana, kumapakapit  sa balat at pansamantalang nagpapabagal sa nakasanayang galaw sa umaga na pati ang simpleng pagligo ay nagiging munting pagsubok habang nanginginig sa lamig ng hangin. 

Sa maraming kabahayan, mas kaunti ang gumagamit ng electric fan o aircon tuwing gabi. Bukod sa mas mahimbing na tulog, nagdudulot din ito ng tipid sa konsumo ng kuryente.

Kaya’t sa gitna ng ganitong panahon, marami sa atin ang naghahanap ng pagkaing nagbibigay-init at ginhawa. Isa dito’y maaaring magluto ng Dumpling soup. Simple lang itong ihanda, abot-kaya ang mga sangkap at sapat ang init ng sabaw para pawiin ang panginginig dulot ng lamig.

Hindi rin ito mabigat sa tiyan kaya akmang-akma sa almusal, meryenda o hapunan ng pamilyang naghahanap ng comfort food ngayong malamig ang panahon. Isang mangkok ng mainit na sabaw na may laman at malasang dumplings. Sa bawat higop ng sabaw at kagat ng dumpling ay nakapagbibigay ng ginhawa lalo na sa umaga at gabi kung kailan mas ramdam ang pagbaba ng temperatura.

Sa paggawa ng resiping ito, maaaring gumawa ng sariling dumplings o gumamit ng ready-made dumpling wrappers na mabibili sa mga grocery store.

  • 250 g ng giniling na baboy (maaari ring gumamit ng giniling na manok,  mushroom naman kung gustong gawin vegan style)
  • 1 tasang repolyo, hiniwa nang pino
  • 2 pirasong bawang, tinatad
  • 1 kutsarang leeks, tinadtad 
  • 1 kutsarang luya, tinadtad
  • 1 kutsarang toyo
  • Kalahating kutsara ng oyster sauce
  • Kalahating kutsara ng sesame oil
  • 25 pirasong dumpling wrappers
  • 4-5 tasang chicken broth o tubig
  • 2 kutsarang luya, hiniwa
  • 1 maliit na sibuyas, hiniwa
  • Spring onions, pang-toppings
  1. Sa isang mangkok, ilagay ang repolyo, budburan ng asin at ibabad ng lima hanggang sampung minuto. Itabi ito.
  2. Sa isa namang mangkok, paghaluin ang giniling,nbawang, toyo, sesame oil, luya, leeks, oyster sauce at paminta.
  3. Kunin ang tinabi na repolyo, pigain ito gamit ang kamay at ilagay sa pinaghalong ibang sangkap. 
  4. Kumuha ng plastic gloves at simulan na haluin ang lahat ng sangkap.
  5. Ihanda ang dumpling wrappers. Lagyan ng isang kutsarita ng palaman ang gitna ng dumpling wrapper, basain ng kaunting tubig ang mga gilid, tiklupin sa kalahati, at idiin nang maigi ang mga dulo upang magsara.
  6. Sa isang kaserola, magpainit ng kaunting matinka. Maggisa ng sibuyas at luya. 
  7. Sunod na ilagay ang tubig o chicken broth. Timplahan ayon sa panlasa.
  8. Ihulog ang dumplings at lutuin hanggang lumutang at maluto ang loob.
  9. Ihain nang mainit at budburan ng spring onion.
  10. Maari din maglagay ng baguio pechay o bok choy para sa pandagdag gulay.

Sa malamig na panahong maaari pang makaisip ng ibang putahe na maaaring makapagbigay ginhawa sa ating katawan. Ang dumpling soup ay patunay na hindi kailangang maging magarbo ang pagkain upang maging makabuluhan. Minsan, sapat na ang init ng sabaw at ang simpleng sarap nito upang gawing mas magaan ang bawat araw.