close
Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Atty. Remigio D. Saladero Jr.

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. ay ipinanganak sa Nuralah, South Cotabato noong Enero 27, 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political Science. Sa lahat nang ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95 porsiyento, bilang pang-17 pinakamataas na grado.

Paglabag sa karapatan ng OFW

Natural lamang na marami tayong batas na nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa OFWs. Mahirap isipin na mayroong pa ring kompanyang lumalabag sa mga batas at hindi nirerespeto ang mga karapatan ng mga migrant worker.

Tungkol sa karapatan ng mga security guard

Sa datos ng Philippine National Police, hindi bababa sa 500,000 ang mga lisensiyadong security guard sa bansa. Ngunit alam ba ninyo na hindi lahat ng guwardiya ay nabibigyan ng kanilang benepisyo bilang mga manggagawa?

Ligal at iligal na pagtanggal ng manggagawa

Sa mga nagdaang taon, maraming mga kompanya ang napilitang magsara dahil sa kakapusan ng kanilang kita. Ngunit marami pa ring kompanya ang patuloy sa kanilang operasyon. Dangan nga lang at napilitan silang magbawas ng empleyado upang maiwasan o mabawasan ang kanilang pagkalugi. Retrenchment ang tawag dito.

Talumpati ni Marcos sa Araw ng mga Manggagawa

Unang ipinagdiwang ang labor day sa Pilipinas noong Mayo 1, 1903. Sa pangunguna ng Union Obrera Democratica de Filipinas, ang unang pederasyon ng paggawa sa bansa, mahigit 100,000 manggagawa ang nagmartsa mula Plaza Moriones sa Tondo hanggang Malacañang upang ipaglaban ang maayos na pasahod, mabuting kalagayan sa trabaho at ang pambansang kalayaan.

Bakit kailangan ang Human Rights Defenders Act?

Napakahalaga mga mga karapatang pantao sa ating lipunan. Ito ang dahilan kung bakit may mga probisyon ang ating Saligang Batas na tumatalakay dito. Halimbawa nito ang Article XIII hinggil sa Social Justice and Human Rights. Ngunit paano naman ang mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao o mga human rights defender? May batas ba na nagbibigay sa kanila ng proteksyon tungkol sa kanilang gawain?