Balita

Hustisya para kay Percy Lapid!—NUJP

Isang taon mula nang paslangin ang batikang brodkaster na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, hindi pa rin napapanagot ang mga susing tao sa kanyang pagkamatay.

Mga lider-simbahan, kinondena ang ‘government crackdown’ sa mga aktibista

“Malinaw na ang pagdukot ng gobyerno kina Castro at Tamano ay tangka upang patahimikin ang mga environmental defender at takutin ang mga mangangahas na magsalita laban sa mga mapanirang proyektong pangkaunlaran,” wika ni Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa isang pahayag sa Ingles.

Guro’t kawani, nagkaisa para sa dagdag-suweldo

Sa pagsusuri ng Alliance of Concerned Teachers (Act) sa datos mula sa Department of Budget and Management Staffing Summary for 2022, nasa 76% ng mga kawani sa publikong sektor, na kinabibilangan ng mga guro at kawani sa mga pampublikong paaralan, ang hindi nakatatanggap ng nakabubuhay na suweldo.

2 aktibistang dinukot ng militar, ni-rescue ng taumbayan

Sa kabila ng harassment at banta sa seguridad, nananatiling nanindigan sa kanilang mga prinsipyo sina Castro at Tamano. Para sa sambayanang patuloy na lumalaban, malaking inspirasyon ang tapang na ipinakita ng dalawa.

Pagpaslang sa abogado sa Abra, kinondena

Pinagbabaril ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo si Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate habang ipinaparada ang kanyang kotse sa harap ng kanilang bahay, hapon ng Setyembre 14.