close
Talasalitaan

Neutralize


Nangangahulugang pumatay, kumitil ng buhay o bawian ng buhay ng isang tao. Sa militar o pulisya, pagpatay din ang kahulugan nito.

Neutralize – Nangangahulugang pumatay, kumitil ng buhay o bawian ng buhay ng isang tao. Sa militar o pulisya, pagpatay din ang kahulugan nito. 

Sa pagdinig sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I, giit ng prosekusyon at Duterte Panagutin! Campaign Network, batay sa mga dokumento ng operasyon ng pulisya, nangangahulugan ng pagpatay sa mga suspek ang “neutralize.”

Binuksan ng ICC Pre-Trial Chamber I noong Peb. 23 ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga sakdal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands. Nahaharap siya sa tatlong bilang na mga krimen laban sa sangkatauhan na pagpatay at tangkang pagpatay. Sumasaklaw ito sa hindi bababa sa 49 insidente at 78 biktima sa pagitan ng 2011 at 2019, mula noong siya ay alkalde ng Davao City hanggang maging pangulo.

Sinabi ng mga tagausig ng ICC sa mga hukom na hinikayat ni Duterte ang mga death squad na magsagawa ng mga pamamaslang gamit ang takot at mga gantimpalang pinansiyal.

Ayon pa sa mga tagausig, ang mga pulis at mga miyembro ng hit squad ay nagsagawa ng dose-dosenang mga pagpatay sa utos ni Duterte na motibado ng pangakong pera o upang maiwasan ang pagiging target mismo.

“Para sa ilan, ang pagpatay ay umabot sa antas ng isang masamang anyo ng kompetisyon,” sabi ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang sa kanyang pambungad na pahayag sa wikang Ingles.

“Si G. Duterte at ang kanyang mga kasamahan sa krimen ay may isangn “common plan” upang puksain ang mga umano’y kriminal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga marahas na krimen, kabilang ang pagpatay,” sabi ng opisyal ng korte.

Itinampok din ng prosekusyon ang isang sirkular ng Philippine National Police (PNP) na nag-uutos na i-“neutralize” ang mga target, ang mismong mga pampublikong talumpati ni Duterte na humihikayat sa mga summary execution, at ang isang “kill list” na isinagawa ng isang pambansang network.

Pinalawak nina Robynne Croft at Edward Jeremy, mga abogado sa paglilitis ng ICC, ang kaso sa pambasang saklaw. Ipinakita ni Croft sa korte kung paano kumalat sa buong bansa ang mga pagpatay, na noong una ay nakatuon lang sa Davao City, matapos manalo si Duterte sa pagkapangulo noong 2016 at iluklok ang kanyang mga kasabwat sa mahahalagang posisyon.

Kabilang sa mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon ay ang isang memorandum circular ng command noong 2016 na inisyu ng noo’y hepe ng PNP at ngayo’y Sen. Bato dela Rosa—isa sa walong pinangalanang kasabwat—na nagdedetalye sa planong “nyutralisahin” ang mga personalidad na may kinalaman sa droga.

Sa ICC, mayroong iba’t ibang paraan ng pananagutang kriminal. Sa kaso ni Duterte, isa siyang umano’y indirect co-perpetrator. Nangangahulugan lang ito na hindi niya mismo ginamit ang gatilyo sa mga krimeng isinampa laban sa kanya, ngunit siya ay “nasa puso ng karaniwang plano na, gamit ang kanyang mga salita, nyutralisahin ang mga umano’y kriminal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga pagpatay,” sabi ni Niang.

Iprinesenta umano ng panel ang ilang dokumento kung saan nakasaad ang buod ng mga naturang operasyon. Ipinapakita rin dito na tinutukoy ang mga nasawi bilang “neutralized under police operations.”

Hindi isang paglilitis ang pagdinig, ngunit nagbibigay-daan ito sa mga tagausig na ibalangkas ang kanilang kaso sa korte. Matapos timbangin ang mga ebidensiya, may 60 na araw ang mga hukom upang magdesisyon kung sapat ang lakas nito para maging karapat-dapat na litisin si Duterte.

Tumanggi si Duterte na dumalo sa mga pagdinig at sinabing hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. 

Umatras ang Pilipinas mula sa Rome Statute noong 2019 sa ilalim ng kanyang mga utos, ngunit nagpasya ang korte na mananatili rito ang hurisdiksyon sa mga krimeng nagawa mula 2011 hanggang 2019 noong partido pa rin ang bansa sa tratado. 

Sa Pilipinas, nagsagawa ng maingay na protesta sa Maynila ang mga aktibista, tanggol-karapatan at mga kamag-anak ng mga pinaslang sa giyera kontra-droga ni Duterte. Sa tulong ng mga support group, nagtipon ang mahigit 100 kamag-anak ng mga bikitma para panoorin ang mga pagdinig bago ang paglilitis.

Batid ng mga kaanak na malaki ang tiyansa na mapapawalang-sala si Duterte kung sa Pilipinas gagawin ang paglilitis sa kanya. Mahina ang ating mga institusyong panghukuman. Kumpara sa ICC, mas madaling ipresyur ang mga lokal na korte.

Ngayong Marso 2026, kinumpirma ng ICC Appeals Chamber na mananatili sa detensiyon si Duterte. Kasunod ito ng pagtatapos ng pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso noong Peb. 27 tungkol sa kanyang umano’y papel sa mga krimen laban sa sangkatauhan noong panahon ng giyera kontra droga. #

/JL, MLJA

Neutralize – Nangangahulugang pumatay, kumitil ng buhay o bawian ng buhay ng isang tao. Sa militar o pulisya, pagpatay din ang kahulugan nito. 

Sa ginawang pagdinig sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I, giit ng prosekusyon at Duterte Panagutin! Campaign Network, batay sa mga dokumento ng operasyon ng pulisya, nangangahulugan ng pagpatay sa mga suspek ang “neutralize.”

Binuksan ng ICC Pre-Trial Chamber I noong Peb. 23 ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga sakdal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands. Nahaharap siya sa tatlong bilang na mga krimen laban sa sangkatauhan na pagpatay at tangkang pagpatay. Sumasaklaw ito sa hindi bababa sa 49 insidente at 78 biktima sa pagitan ng 2011 at 2019, mula noong siya ay alkalde ng Davao City hanggang maging pangulo.

Sinabi ng mga tagausig ng ICC sa mga hukom na hinikayat ni Duterte ang mga death squad na magsagawa ng mga pamamaslang gamit ang takot at mga gantimpalang pinansiyal.

Ayon pa sa mga tagausig, ang mga pulis at mga miyembro ng hit squad ay nagsagawa ng dose-dosenang mga pagpatay sa utos ni Duterte na motibado ng pangakong pera o upang maiwasan ang pagiging target mismo.

“Para sa ilan, ang pagpatay ay umabot sa antas ng isang masamang anyo ng kompetisyon,” sabi ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang sa kanyang pambungad na pahayag sa wikang Ingles.

“Si G. Duterte at ang kanyang mga kasamahan sa krimen ay may isangn “common plan” upang puksain ang mga umano’y kriminal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga marahas na krimen, kabilang ang pagpatay,” sabi ng opisyal ng korte.

Itinampok din ng prosekusyon ang isang sirkular ng Philippine National Police (PNP) na nag-uutos na i-“neutralize” ang mga target, ang mismong mga pampublikong talumpati ni Duterte na humihikayat sa mga summary execution, at ang isang “kill list” na isinagawa ng isang pambansang network.

Pinalawak nina Robynne Croft at Edward Jeremy, mga abogado sa paglilitis ng ICC, ang kaso sa pambasang saklaw. Ipinakita ni Croft sa korte kung paano kumalat sa buong bansa ang mga pagpatay, na noong una ay nakatuon lang sa Davao City, matapos manalo si Duterte sa pagkapangulo noong 2016 at iluklok ang kanyang mga kasabwat sa mahahalagang posisyon.

Kabilang sa mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon ay ang isang memorandum circular ng command noong 2016 na inisyu ng noo’y hepe ng PNP at ngayo’y Sen. Bato dela Rosa—isa sa walong pinangalanang kasabwat—na nagdedetalye sa planong “nyutralisahin” ang mga personalidad na may kinalaman sa droga.

Sa ICC, mayroong iba’t ibang paraan ng pananagutang kriminal. Sa kaso ni Duterte, isa siyang umano’y indirect co-perpetrator. Nangangahulugan lang ito na hindi niya mismo ginamit ang gatilyo sa mga krimeng isinampa laban sa kanya, ngunit siya ay “nasa puso ng karaniwang plano na, gamit ang kanyang mga salita, nyutralisahin ang mga umano’y kriminal sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga pagpatay,” sabi ni Niang.

Iprinesenta umano ng panel ang ilang dokumento kung saan nakasaad ang buod ng mga naturang operasyon. Ipinapakita rin dito na tinutukoy ang mga nasawi bilang “neutralized under police operations.”

Hindi isang paglilitis ang pagdinig, ngunit nagbibigay-daan ito sa mga tagausig na ibalangkas ang kanilang kaso sa korte. Matapos timbangin ang mga ebidensiya, may 60 na araw ang mga hukom upang magdesisyon kung sapat ang lakas nito para maging karapat-dapat na litisin si Duterte.

Tumanggi si Duterte na dumalo sa mga pagdinig at sinabing hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC. 

Umatras ang Pilipinas mula sa Rome Statute noong 2019 sa ilalim ng kanyang mga utos, ngunit nagpasya ang korte na mananatili rito ang hurisdiksyon sa mga krimeng nagawa mula 2011 hanggang 2019 noong partido pa rin ang bansa sa tratado. 

Sa Pilipinas, nagsagawa ng maingay na protesta sa Maynila ang mga aktibista, tanggol-karapatan at mga kamag-anak ng mga pinaslang sa giyera kontra-droga ni Duterte. Sa tulong ng mga support group, nagtipon ang mahigit 100 kamag-anak ng mga bikitma para panoorin ang mga pagdinig bago ang paglilitis.

Batid ng mga kaanak na malaki ang tiyansa na mapapawalang-sala si Duterte kung sa Pilipinas gagawin ang paglilitis sa kanya. Mahina ang ating mga institusyong panghukuman. Kumpara sa ICC, mas madaling ipresyur ang mga lokal na korte.

Ngayong Marso 2026, kinumpirma ng ICC Appeals Chamber na mananatili sa detensiyon si Duterte. Kasunod ito ng pagtatapos ng pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso noong Peb. 27 tungkol sa kanyang umano’y papel sa mga krimen laban sa sangkatauhan noong panahon ng giyera kontra droga.