Superpower agenda
Ang US ay madalas na nagiging sanhi ng kaguluhan at kawalang-tatag sa mundo sa ilalim ng pagtataguyod ng demokrasya o seguridad.
Amerika pasimuno sa giyera – ang pagturing sa Amerika bilang “pasimuno sa giyera” ay nagmumula sa mahabang kasaysayan ng direktang pakikialam, interbensiyong militar, at pagsuporta sa mga kudeta sa iba’t ibang bansa upang protektahan at isulong ang kanilang sariling interes sa geopolitika, ekonomiya at seguridad.
Ang pananaw na ito ay nagpapahiwatig na ang US ay madalas na nagiging sanhi ng kaguluhan at kawalang-tatag sa mundo sa ilalim ng pagtataguyod ng demokrasya o seguridad.
Ilang mahahalagang punto kaugnay ng giyera ng Amerika:
Imperyalismong Militar – ang kasaysayan ng Amerika ay may bahid ng kolonyalismo (tulad ng sa Pilipinas) at patuloy na interbensyon na itinuturing ng marami bilang “imperyal na pananakop”.
War Economy – ang ekonomiya ng US ay nakadepende sa paggawa at pagbebenta ng armas, kaya’t madalas silang sangkot sa mga labanan.
Pakikialam sa Internal na Usapin – ang madalas na pakikisawsaw ng Amerika sa internal na sigalot ng ibang bansa ay nagpapalala sa mga hidwaan sa halip na ayusin ang mga ito.
Superpower Agenda – bilang isang superpower, ginagamit ng US ang kanilang lakas militar upang panatilihin ang kanilang dominasyon sa mundo, na madalas na nagbubunga ng digmaan.
May mga teorya na ang pagiging kasangkot ng US sa mga giyera ay nagpapalakas sa industriya ng armas nito.
Ang pananaw na ito ay nagmumula sa obserbasyon na kung nasaan ang gulo, madalas ay nandoon ang US, na nagpapatibay sa bansag na sila ang pasimuno ng mga digmaan sa modernong panahon.
Ang paglalaway at agresibong pag-aangkin ni Donald Trump sa yamang langis ng Venezuela at Iran, na may pinakamalaking reserba sa buong mundo, ang tunay na dahilan ng isinagawang mga agresyong militar.
Kabilang pa sa mga pangunahing prayoridad ng US kaugnay ng layuning ito ay ang suporta sa Estado ng Israel laban sa mga kalapit nitong bansang Arabo na sinusuportahan ng Russia, noong kasagsagan ng tunggalian sa pagitan ng Arab at Israel. Noong dekada 1960 at 1970, pinalitan din ng US ang United Kingdom bilang pangunahing patron ng seguridad para sa Saudi Arabia at iba pang mga estadong nasa Persian Gulf, upang matiyak, bukod sa iba pang mga layunin, ang isang matatag na daloy ng langis mula sa Persian Gulf.
Pagsapit ng 2023, ang US ay may diplomatikong ugnayang pang-ekonomiya sa bawat bansa sa Gitnang Silangan maliban sa Iran, na naputol ang kanilang mga ugnayan pagkatapos ng Rebolusyong Islamiko noong 1979.
Malaki ang naging epekto sa ekonomiya ng Amerika at ng ibang bansa dahil sa digmaan. Sinusubukan ng Iran na “sakalin” ang ekonomiya ng Amerika sa pamamagitan ng pagsara ng Strait of Hormuz, isang kritikal na daanan ng langis, na nagdudulot ng pagtaas ng presyo at pangamba sa buong mundo, kabilang na ang Pilipinas.
Mayroon namang humigit-kumulang 40,000 hanggang 50,000 na tropa ng Amerika ang nakabase sa Middle East o West Asia hanggang sa kalagitnaan ng 2025. Ang bilang na ito ay inaasahang tataas pa dahil sa mga karagdagang deployment noong Marso 2026. Ang mga tropang ito ay nakakalat sa mga bansa tulad ng Qatar, Bahrain, Kuwait, UAE, at Saudi Arabia para sa operasyong militar at air/naval support.
Ayon sa Al Jazeera, ang Qatar ang may pinakamalaking base (Al Udeid Air Base) na may halos 10,000 tropa. Bahrain ang sentro ng US Naval Forces Central Command. May iba pang lokasyon na nakabase rin sa Kuwait, UAE, at Saudi Arabia para sa operasyon ng U.S. Central Command.
Noong Marso 2026, ayon sa Yukon-Kuskokwim Delta, isang public radio and television station located in Bethel, libo-libong karagdagang tropa pa ang ipinadala sa rehiyon, na nagpataas ng presensya ng militar ng US sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Trump, “Isang buong sibilisasyon ang mamamatay ngayong gabi at hindi na muling maibabalik.”
Nagbanta pa si Trump na sisisirin at pasabugin ang bawat tulay at planta ng kuryente sa Iran, na maaaring ituring na isang krimen sa digmaan. Ang Iran ay hindi naman nagpatinag sa banta ni Trump.
Ang digmaan ng US sa Iran ay lumikha ng napakaraming pagbabago at kawalan ng katiyakan—libo-libong tao ang namatay at milyun-milyon ang nawalan ng tirahan—at lalong nagpahina sa kredibilidad ng US na mapanatili ang internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga patakaran na igalang ang internasyonal na batas. Dapat igalang ng US ang soberanya at integridad ng teritoryo ng lahat ng estado.
Ang pagkaladkad ng Amerika sa patuloy na giyera sa mga mamamayan sa buong mundo ay nagdulot ng ibayong krisis. Naging busabos ang kalagayan ng mga mamamayan. Walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, langis, at pagdausdos ng halaga ng sahod, na nakakaapekto sa mahihirap, magsasaka at manggagawa kaysa sa mayayaman.
Ang mga bansang dinigma ng United States ngayon ay nahaharap sa kawalan ng kuryente; madilim ang mga ospital. Kung walang malinis na tubig, mas mabilis kumalat ang sakit kaysa sa kahit anong bomba. Ang mga pamilya — mga ina, bata, matatanda — ay nahaharap sa malawakang pagdurusa sa mga bansang hinulugan ng bomba, hindi dahil sa ginawa nila kundi dahil sa pagiging pasimuno ng US ng giyera.
Sa madaling salita, ang pinakamahusay na paraan upang tumugon sa pinsalang dulot ng digmaang ito ng Amerika ay ang pagpapalakas at pagkakaisa ng mga mekanismo sa hanay ng mamamayan upang labanan ang pagsasamantala at pangaabuso ng agresyon ng US sa Iran.