close

Editoryal

Pilipinas at buong mundo laban sa imperyalismo

Hindi kapayapaan ang dala ng United States at Israel sa Gitnang Silangan, kung hindi interbensiyon at kolonyalismo. Hindi maiwasang ikompara ng marami ang ginawa ng Amerika sa Iran sa nangyari noong 2003 sa Iraq.

Patuloy na pasakit sa taumbayan

Sa huling tatlong taon ni Marcos Jr., dapat lalo pang igiit ng mamamayang Pilipino ang makatuwirang panawagan para ibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ng langis at pagkain. Dapat ding tuloy-tuloy na ipaglaban ang makabuluhang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.

Pangarap para sa bata

Mula sa bahay hanggang sa mga bulwagan, kailangang magsumikap ang lahat para protektahan ang mga karapatan ng bawat bata.

Kayo-kayo na lang

Bulok ang politika at burukrasya sa bansa. Sa antas ng mga mainstream na politiko, partido at personahe, kapos ang talakayan para solusyonan ang mga problema sa bansa. Wala namang nagtutunggaliang ideya, pananaw o suri. May bangayan lang para makapaghari at makapanamantala. Pasikatan. Pabonggahan. Pataasan ng ihi. Pero walang aktuwal na nagagawa.

Paglaban ang pag-asa ng sambayanan

Ang mga progresibong kandidato, bagaman kakaunti, ay may kasaysayan ng pagtutulak ng mga makabuluhang reporma at patakaran. Pero ang kanilang mga pagpupunyagi ay nakasalalay sa lakas at dami ng mamamayang nagmamartsa sa lansangan.

Tanda ng pag-asa ang talakayan sa loob at labas ng halalan

Walang isang milagrosong solusyon para bukas makalawa biglang maglaho lahat ng problema sa Pilipinas. Pero malinaw na hindi makakatulong ang pagsuko. At ang panaka-naka lang na pakikilahok sa mga usapan at talakayan, pag-share, like, repost, kailangan pang dagdagan.

Manggagawa, tagahulma sa kasaysayan

Mayo Uno na naman. Mapupuno ang mga kalsada ng mga manggagawa. Higit sa pag-apresya sa mga nagbabanat na buto nating kababayan, kilalanin natin na may dakilang misyon sila para sa pagbabago ng buong lipunan.

Uto-uto sa Balikatan

Ayaw nating madamay sa giyera. Nais natin ng alternatibo. Isang hakbang ang balota sa darating na Mayo. Baka sakaling makatulong para masaksihan natin ang huling taon ng Balikatan.

Marcos Jr., barat sa manggagawa 

Ang sarap siguro sa pakiramdam ng mga manggagawa ang umuwing hindi problema ang ihahain sa pamilya, o kaya’y hindi takot ‘pag nagkakasakit dahil may panustos sa gamot at ospital.

Hindi panunupil ang solusyon sa ‘fake news’

Kung matutupad ang pagsasabatas ng regulasyon sa "fake news," hindi malayong magiging puntirya rin nito ang mga peryodista, aktibista at kritiko ng gobyernong matapang na naglalahad ng tunay na kalagayan ng bayan tulad ng katiwalian, korupsiyon, pagpapakatuta sa dayuhan at kriminal na kapabayaan ng pamahalaan sa maraming mamamayan.