Youth carry a streamer that says Youth unite for climate justice during the COP27

Kabataang Bayani ng Kalikasan

December 2, 2022

Kapag ginugunita natin ang mga bayani, madalas nating isipin ang tanyag na pangalan, ang nakaraang rebolusyon, ang martir, at ang mga parangal. Ngunit hindi naman lahat ng bayani ay kilala, kahit ang environmental heroes. Naging malinaw sa akin ito noong ika-27 Conference of the Parties ngayong buwan sa Sharm El-Sheikh, Egypt.

Protest during COP27

Paghahanap ng konsensus sa krisis ng klima

November 18, 2022

Lumipas na ang unang linggo ng ika-27 Conference of the Parties (COP 27) ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC). Inaantay ng mundo ang mga desisyon mula rito. Lagi’t lagi, malaking hamon ang maghanap ng konsensus para sa mga isyung nag-uugat sa tunggalian. Sa Sharm El-Sheikh, Egypt, pinakamahalaga para sa mga bansa gaya ng Pilipinas na pinakaapektado ng climate change ang paglikha ng loss and damage mechanism.

COP27

Laban ng climate change sa Ehipto

November 18, 2022

Inaasahan naming makikinig ang mga gobyerno sa boses ng mga mamamayan dahil malaki ang nakasalalay dito. Nakikita na magsisimula ang pagpupulong sa ‘agenda fight’ para sa pinakamahalang isyu sa negotiations: ang paglikha ng loss and damage finance facility.

Hatol ng Korte: CPP-NPA, hindi terorista

Matalas na desisyon ukol sa CPP-NPA

November 5, 2022

Ang paglikha ng CPP sa NPA bilang sandata ng masa laban sa dayuhan at pyudal na dominasyon ay patunay ng kanilang pagsulong sa karahasan upang maabot ang kanilang mithiin. Ngunit sa kabila nito, nilinaw ng Korte na hindi katumbas ng paraan upang makamit ang layunin ang layunin mismo. 

Sagot sa SONA ni Marcos: Umasa, lumaban, magpatuloy tayo

August 3, 2022

Sa kabila ng mga oportunidad na tinalakay natin sa kolum na ito noong nakaraan, nakalambitin pa rin ang tanong—ano ang plano ng bagong pangulo na si Marcos Jr. para sa mga Pilipino? Ayon sa Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang mga sumusunod ang priority ng pangulo: agricultural at food security, climate change adaptation, economic recovery, improved health care at education, enhanced infrastructure projects, utilization of renewable energy sources, strengthened tourism at jobs creation, at sustainable development. Ngunit nananatili itong malabo. Ano ang mga tiyak na proyekto na ipapatupad upang makamit natin ang mga ito? Mas mahalaga pa, paano pinaplanong tugunan ni Marcos Jr. ang mga tao mismo, lalo na ang mga mahihirap at mardyinalisado?

Paano na ang bayan sa panahon ni Marcos?

August 3, 2022

Sa ika-25 ng Hulyo, magaganap ang unang State of the Nation Address (SONA) ng bagong presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Dahil dito, nais kong talakayin natin ang maaaring (at sanang) lamanin ng kanyang SONA. Higit na mahalaga ang SONA na ito dahil hindi natin narinig ang palataporma ng pangulo noong kandidato pa lamang siya.

Ang pagharang sa website ng Pinoy Weekly at kalayaang magpahayag

Ang pagharang sa website ng Pinoy Weekly at kalayaang magpahayag

July 10, 2022

Ilang araw bago magpalit ng administrasyon, nasaksihan natin ang pagpapaharang ng outgoing National Security Adviser na si Hermogenes Esperon Jr. sa 28 na websites. Kabilang dito ang website ng Pinoy Weekly, iba pang alternatibong news outlets, at mga progresibong grupo. Ayon sa naging utos ni Esperon, kailangang harangin ang access sa mga nabanggit dahil sa pagsuporta at kaugnayan sa mga terorista.